• Home
  • Fresh Scoops
  • Sofia Andres reacts on Diego Loyzaga's outburst on social media

Sofia Andres reacts on Diego Loyzaga's outburst on social media

The actress says she is always ready to listen if Diego needs a friend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/22/2017 2:34 PM
Sofia Andres reacts on Diego Loyzaga's outburst on social media


022217-SophiaAndres_PUSH.jpgSa presscon ng pelikulang “Pwera Usog” ng Regal Entertainment ay diretsong tinanong namin si Sofia Andres, isa sa mga bida sa pelikula, kung ano ang suportang ibinibigay niya sa rumored boyfriend na si Diego Loyzaga na may pinagdadaanan ngayon tungkol sa pamilya nito.

 Kamakailan lang kasi ay naglabas ng hinanakit si Diego sa social media para sa amang si Cesar Montano kung saan naging controversial ang kanyang mga naging post.

READ: Diego Loyzaga calls dad Cesar Montano a ‘hypocrite’

Sagot ni Sofia sa amin, “Lagi ko pong sinasabi sa kanya na andito lang ako for him kahit ano man po yung pinagdadaanan niya ngayon na alam kong hindi madali. If ever na kailangan niya ng kausap, I’m here to listen. Yon, ganu’n po lang yung suporta na puwede kong maibigan sa kanya for now.” Inamin din ni Sofia na nagkakausap naman sila ng nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga pero wala raw itong sinasabi sa kanya with regards sa pinagdadaanan ni Diego.

“Alam naman niya po na andito lang ako para sa anak niya any time,” sabi pa ng dalaga.

Paano ba naman ina-appreciate ni Diego ang concern na ipinapakita sa kanya ni Sofia?

“Nagkakaintindihan naman po kasi kami every time nag-uusap kami. So, siguro yung pinapakita rin niya na nandyan siya for me, ganun lang din po, vice versa, give and take,” sagot niya.

Sa palagay ba niya tama ang ginawa ni Diego na ilabas ang mga hinanakit niya sa tatay sa social media? “Actually po, I don’t know what to say,” tila natitigilan niyang pahayag.

Patuloy ni Sofia, “Kasi, masyado po siyang maraming pinagdadaanan, eh. Hindi ko rin po masisisi yung tao… I don’t know what to say. “I think he’s old enough to know what to do, what is right and I don’t know kung… hindi na po ako yung tao na parang nagsabi sa kanya na ‘wag mong gawin yan, gawin mo ‘to.’

“He will learn from it in the long run. And alam ko na inaayos niya yon ngayon at alam ko na magiging maayos yan in the future, ngayon lang na talagang very emotional yung tao.”

Kung siya ba ang malagay sa sitwasyon ni Diego, gagawin ba niya ang ginawa nito na sa social media maglalabas ng sama ng loob?

“I’ll just keep it to myself because no one will ever understand what’s really going on in my personal life,” she said. Samantala, palabas na sa March 8 ang “Pwera Usog” na idinirek ni Jason Paul Laxamana. Kasama rin sa pelikula sina Joseph Marco, Devon Seron, Albie Casino at Kiko Estrada.