Pinoy Designer wants Miss Universe Peru to apologize

Mainit ngayong pinagpipistahan ng mga Pinoy pageant enthusiasts ang naging bridal gown ni 2015 Miss Universe Peru Laura Spoya nang ikasal ito kamakailan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/22/2017 8:28 AM
Pinoy Designer wants Miss Universe Peru to apologize


022217-MarkBumgarner_PUSH.jpgMainit ngayong pinagpipistahan ng mga Pinoy pageant enthusiasts ang naging bridal gown ni 2015 Miss Universe Peru Laura Spoya nang ikasal ito kamakailan.

Laman sa mga pageant website ang naging hakbang ng beauty queen dahil sa pagpapagaya nito ng kanyang wedding gown sa original na disenyo ng sikat na Filipino fashion designer na si Mark Bumgarner.

Ayon sa mga impormasyon, hiningi ni Laura ang tulong ni Mark dahil intresado ito sa "Bow Dress" gown na parte ng wedding collection ni Mark para sa kanyang gaganapin na kasal.

Dagdag pa nito, naging maayos din umano ang usapan sa pagitan ni Laura at ni Mark pero sa ‘di inaasahan nagbago umano ang isip ng bride at na-cancel na umano ang kasal nito at hindi na kinailangan pa ang gown.

Ikinatuwa naman ng maraming pageant fans ng lumabas ang mga larawan ni Laura ng kanyang civil wedding sa kanyang social media account, at kapansin-pansin na suot nito ang "Bow Dress" na design ni Mark, ngunit ito at hindi ito ang orihinal na bow dress na design ni Mark at tanging replica lamang ng kanyang design.


Samantala, humihingi naman ng apology si Mark mula kay Laura sa ginawa nitong pagkopya umano sa kanyang design.
“She wanted to order this from me, we were talking for a long time. Then she said the wedding is cancelled for some reason. She was emailing us to send her photos/details of our dresses. Only to be copied pala! This woman owes me an apology.” – Mark Bumgarner