Maja Salvador wants to work with John Lloyd Cruz

Maja says

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/21/2017 1:22 PM
Maja Salvador wants to work with John Lloyd Cruz


022117-MajaJLC.jpgHumahataw padin sa takilya ang Valentine's Day movie ng TBA productions na pinagbibidahan ni Maja Salvador at Paolo Avelino na "I'm Drunk I Love You."

Dahil sa natural na chemistry ni Maja at ni Paolo hindi maiwasan na ma bigyan ng kulay ang kanilang magandang pagkakaibigan.

Kuwento ni Maja siya ang tipo ng kaibigan na hindi nagpapa apekto sa mga malisyang ibinibigay ng mga tao sa kanya.

"Kami naman yung tipong magkaibigan na hindi nag papa apekto sa mga malisya na ibinibigay ng mga tao, ng news o ng ano pa man wala parang parte yun e, andito kami sa industriyang ito parang mabibigyan at malalagyan talaga ng malisya," paliwanag ni Maja

Matatandaan na isa pa sa nabigyang malisya noon ay ang pagkakaibigan nila ni John Lloyd Cruz na spotted din noong premier night na sumuporta sa kanyang pelikula.

Dahil dito naitanong din kay Maja kung may pagkakataon na ba na magkaroon sila ng proyekto ni JL. Pahayag ni Maja pangarap din niya ito at naniniwala na darating ang magandang proyekto para sa kanila ni John Lloyd.

"Pelikula with John Lloyd pinapangarap ko yan, siguro nag start lang, yung mga ganung balita simula nung may na post ako na picture sa Instagram ko parang akala ng iba 'ay kaya nag post kasi may movie.' Well sana po meron talaga pero isa sa pangarap ko po na makasama si John Lloyd, sana this year or next year ay makagawa kami ng movie," saad pa ng aktres

Positibo din si Maja na darating din ang araw na magiging magkatrabaho sila ng aktor.

"Hindi man kami ngayon magtagpo pero darating at makaka trabaho ko din siya," pagtatapos ni Maja