• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino remains mum on ongoing court case about his son

Paulo Avelino remains mum on ongoing court case about his son

Paulo Avelino reacts to accusations he doesn’t support his son.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/2/2017 10:27 AM
Paulo Avelino remains mum on ongoing court case about his son


020217-PauloAvelino_PUSH.jpgUmpisa pa lang ng tanong namin kay Paulo Avelino tungkol sa anak niya kay LJ Reyes ay nakiusap na kaagad siya sa amin na hangga’t maaari ay ayaw niya munang magsalita tungkol dito.

“Medyo komplikado kasi may mga abogado,” sabi niya sa amin nang makausap siya ng Push.com.ph sa presscon ng pelikula nila ni Maja Salvador na I’m Drunk I Love You na showing on February 15.

Pero kumusta na ba ang baby niya, pangungulit namin kay Paulo.

“Huwag na muna nating… kasi may mga abogado, eh, baka magkagulo pa. Komplikado at this point. Siguro after na (ako magsasalita),” matipid niyang sagot.

Wala ba siyang reaksyon sa sinasabi ng kampo ni LJ na pinababayaan niya ang bata?

“Basta ako mahal ko ang anak ko at nandito ako lagi para sa anak ko kung kailan niya ako gustong makita,” diin pa niya.

Eh, yung tungkol sa child support issue, ano ba ang totoo don?

“Kumpleto suporta ko sa kanya,” deklara niya.

“Patuloy pa ni Paulo, “For now, ayoko munang magsalita dahil komplikado talaga.”

Hindi naman naitago ni Paulo ang pagkainis na pinapalabas siyang masamang ama ng kampo ng dating karelasyon.

“Yon nga yung nakakainis, bakit ako ang lumalabas na masama. Pero magsasalita ako, but not now kasi baka magamit pa against me,” sambit uli ni Paulo.

Samantala, since pang-Valentine’s Day ang movie nila ni Maja na I’m Drunk I Love ano ba ang plano niya sa V-Day?

“Usually pag Valentine, I have… well, Tuesday is taping day, tapos Wednesday first day (showing) ng film namin, pero malamang kami-kami rin ang magkakasama. Grupo ng mga single.”

Ano ba ang perfect date para sa kanya?

“Ako, the perfect date is the simplest one. Kahit magsindi ka lang ng kandila diyan, magluto ka or mag-road trip lang kayo somewhere. It doesn’t need to be expensive, it has to be simple and genuine,” sagot niya.

Nang kumustahin naman namin siya kung kumustang makipagtrabaho sa isang baguhang director like JP Habac, sey ni Paulo, “I’ve worked with JB several times before but not as a director, that’s why one of the things that made me accept this role/project is because JP was involved.

“I was really excited kasi I never figured that he would come up with a full length film so soon after releasing two of his short films. Ayun, JP is such a relaxed team player, napaka… someone I enjoyed working with.

Eh, how about with Maja?

“About Maja? The food she brings on the set… yung pagkain talaga kasi nagdadala talaga ng pagkain. Ever since, si Maja marami talagang pagkaing dinadala. Kahit si Echo (Jericho Rosales), sinasabi niya, ‘may pakain na naman si mayora,’” natatawa niyang pagtatapos.