Liza Soberano: 'Ayaw ko po sa lalaking may abs'

Liza Soberano admits she may have a phobia about seeing men’s abs.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/2/2017 11:25 AM
Liza Soberano: 'Ayaw ko po sa lalaking may abs'


020217-LizaSoberano_PUSH.jpgMasayang nakipagkuwentuhan sa entertainment press ang mga bida ng upcoming Valentine's Day movie ng Star cinema na My Ex and Whys na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Dito naibahagi ni Liza ang ilan sa mga pagbabago sa kanilang love team, tulad ng ang hindi pagkaramdam niya ng awkwardness kapag nakikita niyang shirtless si Enrique.

Aniya, sobrang komportable na siya kay Quen na kahit maghubad pa ito ng pang-itaas sa mga proyekto nila ay okay lang sa dalaga dahil mistulang baby ito sa kanyang paningin.

"Wala pong malisya ‘pag si Quen, parang katawan po kasi ng baby ang katawan ni Quen. Si Quen po kasi hindi niya kailangan ng abs you know," pagbibirong pahayag ng dalaga.

Dagdag pa ni Liza, ayaw daw niya makakita ng lalaking mayroong abs dahil naiilang siya kapag nakakakita siya nito.

"Sa totoo lang po hindi po ako naiilang kay Quen sobrang comfortable po ako sakanya, sa totoo lang po ayaw ko po sa lalaking parang ma abs."

Naibahagi pa ni Liza na tila nagkaroon siya ng phobia na makakita ng lalaking may abs at aniya hindi din siya kinikilig pag nakikita siya nito.

"Dolce Amore po may scene kami ni Joseph Marco may scene siya doon na naka-topless siya doon pero hindi ko siya matignan hindi dahil kinikilig ako or something, parang I have a phobia on seeing a naked man hindi ko po alam," sabi pa ni Liza.

Bukod dito naibahagi din ng talaga na inabot sila ng eight hours sa ilang eksena niya sa pelikula dahil nahirapan siya dito.

"Yung confrontation scene namin ni Quen na panget ba ako? Kapalit palit ba ako yung scene na yun, eight hours po namin ginawa sa shot ko lang po," kuwento pa ng dalaga.

Pagtatanggol naman ni Director Cathy Garcia Molina kay Liza, hangad niya na maging maganda at eksakto ang naturang scene dahil ito ang highlight ng pelikula.

"Because it's her scene, it's the highlight of the movie. Ayaw ko naman po ipagkait kay Liza na hindi magawa ng maganda yun, Ang hirap niya pa kasi hugutin para sa eksena na yun kasi masyado pang bata for that scene," Oagtatapos na paliwanag ni direk Cathy.