• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz admits being pressured by his mom to start his own family

John Lloyd Cruz admits being pressured by his mom to start his own family

John Lloyd Cruz says he is still waiting for the right time to start a family.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/2/2017 10:29 AM
John Lloyd Cruz admits being pressured by his mom to start his own family


020217-JohnLloydCruz_PUSH.jpgTatlong taon na ang sitcom nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home sa ABS-CBN at hindi ini-expect ng cast na aabot sila ng ganitong katagal.

Nagkaroon na rin ng anak si Toni sa show at in real life kaya hindi maiwasang tanungin si John Lloyd kung naiisip na rin ba niyang magkapamilya at magkaroon ng baby na katulad ng kapareha niya sa Home Sweetie Home.

“Wala pa, eh. Alam mo, ang payo sa akin ni… hindi ko na lang sasabihin kung sino, pero wag daw masyadong isipin yon, dadating daw yon,” paliwanag ng actor.

Patuloy pa niya, “Nanay ko nga rin di na makapaghintay. Kasi minsan, pag pinipilit natin lalong hindi nangyayari, eh. I think, may time for that talaga.”

Gusto ba niya na yung magiging next girlfriend niya ang magiging nanay na rin ng kanyang magiging anak?

“Sana... Siyempre, hindi naman na tayo bumabata and siyempre, nasa ano ka, linggu-linggo napagmamasdan mo yung buhay ng isang Toni Gonzaga, kumbaga parang napakaimposible na hindi ka mapag-isip o mainggit paminsan-minsan, di ba?

“Ang sabi sa akin ni Toni because I think, isang beses na medyo talagang hindi ko ma-contain at nasabi ko na, ‘Alam mo, naiinggit talaga ako, sana makahanap na rin ako.’ Sabi niya, ‘Wang kang maghanap, darating yan,’” kuwento pa ni Lloydie.

Ayaw naman daw niyang ipilit ang mga bagay-bagay lalo na kung hindi pa naman talaga tamang panahon.

“Well, I guess, nag-a-apply naman yon sa kundi man lahat, sa karamihan, yung aspeto sa buhay na kung ipipilit mo di ba, mas lalong hindi mangyayari. So, huwag mong…”

Hindi pa ba siya ready na maging family man?

“Ah, baka… hindi ko alam, eh. Hindi ko pa alam,” sagot niya.

Nakakaramdam ba siya ng pressure mula sa pamilya niya na naghihintay na magkaroon na siya ng sariling pamilya?

“Occasionally may konting pressure especially pag yung nanay mo nagpaparinig sa ‘yo. Siyempre, medyo tumatanda na rin ang nanay ko and sigurado ako na gusto niyang magkaroon ng apo galing sa akin. Pero naiintindihan naman niya.

“Umabot na rin sa punto na sinabihan na rin niya ako na, kahit gaano kasagradong Katoliko ang nanay ko, sinabi niya sa akin na, ‘Kahit wag ka ng mag-asawa kung ayaw mo, mag-anak ka na lang muna.’

“Pero wala, eh. Like I said, medyo occasional yung kanyang pampi-pressure or occasional na napi-pressure ako, pero sa ngayon, lately hindi gaano,” pahayag niya.

Eh, what if kung anak nga lang muna?

“Wala, eh… sana hindi. Kahit ganito ako, medyo may pagka-ideal pa rin ako. Sana magkaroon ng partner, and then maging asawa para magkaroon ng pamilya,” katwiran niya.

Sinadya ba niyang ipahinga muna ang puso at huwag magkaroon ng love life?

“Hindi ko naman pinaplano yon. For now, gusto mo munang mag-concentrate sa mga bagay na gusto ko kunang ma-achieve, na magawa, so siguro ini-enjoy ko na lang muna yung availability ng sarili ko para sa aking mga adhikain. So, yon na lang muna. And then, kung mangyari man yon, mangyayari naman yon, eh,” nakangiting pagtatapos ni Lloydie.