• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Miss France Organization reveals plans for new Miss Universe Iris Mittenaere’s homecomin

EXCLUSIVE: Miss France Organization reveals plans for new Miss Universe Iris Mittenaere’s homecomin

After more than six decades, the Miss Universe crown returns to France.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/2/2017 10:24 AM
EXCLUSIVE: Miss France Organization reveals plans for new Miss Universe Iris Mittenaere’s homecomin


020217-MissFrance_PUSH.jpgSa Biyernes ng hapon naka-schedule umalis papuntang Miss Universe headquarters sa New York, USA ang 65th Miss Universe na si Iris Mittenaere. Siya ang ikalawang delegate mula sa France na nakakuha ng korona na una nilang nakuha taong 1953.

Kaya naman nagse-celebrate ang Miss France Organization na franchise holder ng Miss Universe sa kanyang bansa dahil natapos na ang kanilang paghihintay.

Nakausap ng Push.com.ph si Celia Jourdheuil ng Miss France Org at nagsabing perfect ang napili nilang candidate at deserving ito sa kanyang panalo.

"She really deserves her crown. She’s a perfect Miss France and I know she’s going to be a perfect Miss Universe."

Dahil lagpas anim na dekada na ang agwat ng kanilang Miss Universe victory, nakakalimutan na daw sa kanilang bansa ang kanilang chances na manalo sa prestigious pageant.

"The last time we won was 1953 and we are longing for the crown and we are so so happy and its been a long time that crown hasn’t been in our country. Now the crown is in France, the crown is in Europe and we are very, very proud of her"

Isang malakihang welcome home event ang kanilang pinaghahandaan ngayon sa pagbabalik ni Iris sa France pero di pa nila ito matiyak kung kailan ito magaganap.

"We are planning really big for her return to our country but as of now we don’t know yet when will she return to us," pagtatapos ni Celia.