• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina says Liza Soberano is beautiful inside and out

EXCLUSIVE: Ara Mina says Liza Soberano is beautiful inside and out

Ara Mina says Liza Soberano is very down to earth unlike other young stars she has encountered.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/3/2017 7:06 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina says Liza Soberano is beautiful inside and out


020317-AraLiza_PUSH.jpgHindi nagdalawang isip si Ara Mina to play the role of Liza Soberao’s mother in the movie My Ex and Whys ng Star Cinema kahit in real life ay two years old pa lang ang anak niyang si Amanda Gabrielle.

“Single young mom naman ako do’n kaya keri lang, di ba? Feeling ko nga, kasing ganda ako ni Liza kaya ako ang kinuha nila sa movie. Siyempre, kung ano yung puno siya rin yung bunga (laughs),” natatawa niyang kuwento sa amin.

Patuloy pa ni Ara, “Flattered ako kasi bukod sa maganda yung ugali niya (Liza) at maganda pa siya, tapos alam nating talagang in demand siya, so I’m happy to work with her and also with Direk Cathy (Garcia-Molina). Matagal ko na ring gustong makatrabaho si Direk Cathy kasi paborito ko yung One More Chance niya, eh.

“Happy ako kasi nakagawa ulit ako sa Star Cinema after so many years. Kasi yung nagawa ko lang sa Star Cinema Alyas Pogi 3 pa. Ang tagal na non, di ba? Twenty years ago pa ata yon,” pagre-recall pa ng aktres.

Ipinagmalaki din ni Ara na hindi niya kinakitaan ng attitude problem si Liza habang magkatrabaho sila. Ibang-iba raw ang ugali nito sa ilang mga young stars na nakatrabaho niya noon na mga walang respeto at feeling sikat sa set.

“Minsan nga, may nakakatrabaho ako na wala pang mga name pero may mga attitude na. Pero si Liza, nando’n na siya, pero lahat naman din ng nagsasabi na nakatrabaho niya, walang bad experience sa kanya. Eh, lalo na ako kasi kami yung magka-tent. Tsaka nakakabilib kasi nag-aaral pa siya in between pag hindi namin take, so, nakakatuwa lang yung experience na makatrabaho ko siya.

“Napakagandang bata inside and out. Sabi ko nga, hindi ako nagdalawang isip nu’ng sinabing mommy ka ni Liza. Sabi ko, go!”

After working with Liza, ayon kay Ara, mas lalo raw niya itong naging paborito.

“Isa siya sa mga favorites ko sa generation ng mga aktres ngayon. Kasi napaka-down to earth niya. Wala siyang arte. Kunwari pagod na siya, hindi mo siya mariringgang nagrereklamo. Hindi nagta-tantrums. Yung iba nga, nag-i-start pa lang may tantrums na, si Liza talaga, wala,” paliwanag pa ni Ara.

Samantala, palabas na sa February 15 ang My Ex and Whys.