• Home
  • Fresh Scoops
  • Cathy Garcia-Molina asks companies to be more lenient with their endorsers

Cathy Garcia-Molina asks companies to be more lenient with their endorsers

Cathy Garcia-Molina says endorsements limit what they can do in movies.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/3/2017 7:01 AM
Cathy Garcia-Molina asks companies to be more lenient with their endorsers


020317-CathyGarciaMolinaf_PUSH.jpgNagbibigay na ng parting words ang cast ng My Ex and Whys na pinangungunahan nina Liza Soberano at Enrique Gil nang biglang may ipinakiusap ang director ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina sa entertainment press na dumalo sa presscon.

Ayon sa kanya, wala siyang ibang avenue na alam to air her sentiments tungkol sa mga kompanya ng produktong iniendorso ng mga artistang nakakatrabaho niya kundi don lang sa presscon kaya sinamantala na niya ang pagkakataong magsalita.

“Sa lahat ng products, sa lahat ng produkto na kumukuha ng mga artista bilang endorser, sana mapaabot natin sa kanila yung pakiusap naming mga taga-pelikula at taga-TV nasa na ihiwalay ang persona ng artista at ng mga karakters sa pelikula.

“Hirap na hirap po kami na mga manunulat at kaming creators. Ang daming bawal. Kaya po naka-wig ang mga artista ko lagi, eh. Pag may shampoo commercial bawal pagupitan, bawal pakulayan, bawal pakulutin, bawal lahat.

“So, ano, sa lahat ng pelikula nila iisa lang ang look nila but they play on different characters? I am not… nakikiusap ako sa kanila na sana ihiwalay.

“Ngayon halimbawa, eto presscon, gumamit siya ng iniendorso niya, puwede kong sabihin kasi si Liza Soberano siya ngayon. Pero sa pelikula po si Cali Ferrer siya, so sana puwede siyang gumamit (ng iba).

“Kasi halimbawa, paano kung may kape siya, may gatas siya, may juice siya, lahat bawal, eh, anong iinumin niya sa pelikula ko, tubig na lang?” mahabang litanya ng box-office rom-com director ng Star Cinema.

Ipinagpapasalamat naman ng director na pinagtitiwalaang mag-endorse ang kanyang mga artistang nakakatrabaho.

“Ako, malaki ang pasasalamat ko sa mga produktong ito na kinukuha ang ang mga artista—thank you very much po at naniniwala kayo sa kalidad nila,” reaksyon ni Direk Cathy.

Patuloy pa niya, “But precisely because you like them, because they’re good actors, sana ma-consider that they’re good actors so therefore kailangan nilang magpo-portray ng iba’t ibang roles, so therefore, sana maihiwalay yon.

“Yon lang po. Tulungan ninyo ako, gusto kong makarating sa kanila ito,” pakiusap pa niya.

Humirit pa ulit ang lady director at sinabing pigil na pigil ang creativity nila dahil sa mga iniendorse na produkto ng mga bida ng pelikulang ginagawa niya.

“Hindi rin naman po ako gumagamit ng ibang brands. Yung brand naman po namin, gawa-gawa rin lang namin. So, sana naman payagan kami, yung mga ganu’ng kaliliit na bagay kasi pigil na pigil po ang creativity naming lahat dahil bawal lahat,” she said.

Sa bandang huli, inamin ng director na kakaiba ang My Ex and Whys sa mga pelikulang nagawa na niya noon.

“Hindi ko sinadyang maiba ito. But to men, huwag kayong magalit sa amin. Hindi naman ito anti-men kaya lang, nagkataong ang lilikot niyo lang talaga. Hahaha!” pagtatapos ni Direk Cathy.