Whatever happened to ex-PBB housemate Rico Barrera?

Rico Barrera reveals how PBB has helped him with his business.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/19/2017 8:06 AM
Whatever happened to ex-PBB housemate Rico Barrera?


021917-RicoBarrera_PUSH.jpgAminado si Rico Barrera na malaki ang utang na loob niya sa Pinoy Big Brother sa kung anumang success ang na-achieve niya ngayon bilang businessman. Nakatulong daw nang malaki ang pagiging dating PBB housemate niya para pagtiwalaan siya ng mga tao.

“Nakakatulong yung credentials ko na dati akong PBB housemate tapos yung mga tao, mas may tiwala sila ngayon. Pero siyempre, ginagamit ko yon ng tama, hindi mali, di ba, ganu’n yung nangyayari.

“Bago ako mag-present ng product sa mga tao, papakilala muna ako—commercials na nagawa ko, PBB days ko, mga nakasama kong artista. May plus factor talaga yung PBB, malaking bagay,” pahayag ni Rico sa Push.com.ph.

Nakabili na ng dalawang condo unit sa Quezon City at isang luxury car (Mercedes Benz) si Rico dahil sa networking business. Kung saan-saang bansa na rin siya nagta-travel ngayon.

Pero natawa siyang ibinahagi sa amin na dahil may itsura siya ay madalas rin siyang kulitin ng mga bading sa networking business. 

“Pag alam ko na ganu’n, na kukulitin lang ako, medyo iniiba ko na yung topic hanggang sa medyo naggi-give-up na rin sila. Eh, ang purpose ko is about sa business talaga, kaya sori na rin lang

“Tapos yung iba mag-aaya, nararamdaman ko naman kapag iba ang gusto, eh, instinct naman yon, so dina-pert ko, so pag hindi talaga siya sa business naka-focus, iiwanan ko na.”

Eh, papaano naman niya hina-handle kapag babae naman ang nagpapakita ng motibo?

“Dapat may limit pa rin. Depende na lang sa akin yon kung papatulan ko. Nasa tao na lang din yon, kasi siyempre, parang ikaw, sikat ka sa showbiz, yung tao na yon ang lalapit sa y’o. Sa business ganu’n din, kung may say ka rin, yung ibang tao attracted din sa yo lalo na kung may itsura ka at marunong ka sa ginagawa mo. Pero siyempre, pipigilan mo dapat,” katwiran niya.

Naging ka-batch ni Rico noon sa PBB sina Sam Milby, Say Alonzo, Jayson Gainza at Nene Tamayo. Pero dahil naging abala sa business, mukhang hindi na priority ni Rico ang showbiz

“Yung business yan yung option pag yung projects minsan lang naman dumarating. Pero it doesn’t mean rin na I’m stopping. Kung may offer, hindi pa rin naman ako mawawala. I mean, yung puso ko nandito pa rin talaga sa showbiz, never siyang mawawala talaga,” paniniguro niya. 

Patuloy niya, “Madalang lang ngayon kasi ang dami ng artista, pero sa akin, kung given a chance to explore again, okey lang. I mean, flexible naman lahat. Pagdating sa showbiz go pa rin ako.

Kasama si Rico sa pelikulang Balatkayo ng BG Productions na pinagbibidahan ni Aiko Melendez at ng Cebuano actor na si James Robert.