• Home
  • Fresh Scoops
  • PTV 4’s Dino Apolonio clarifies they are not negotiating with Kris Aquino

PTV 4’s Dino Apolonio clarifies they are not negotiating with Kris Aquino

The channel’s general manager says the government-owned network will begin showing canned entertainment shows.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/19/2017 11:21 PM
PTV 4’s Dino Apolonio clarifies they are not negotiating with Kris Aquino


021917-KrisAquinoPUSH.jpgMagpapalabas na ng canned soap opera ang government-owned network na PTV4 simula ngayong February. Nag-start na ang airing ng Koreanovelang “Legendary Doctor” last Feb. 18 and 19.

Ayon sa PTV4 General Manager na si Dino Apolonio pipilitin din daw nilang ilapit sa mga tao ang PTV4 sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang entertainment shows.

Pero kaagad na na nilinaw ni Apolonio na hindi totoong lilipat sa PTV4 si Kris Aquino. Wala rin daw nangyayaring negosasyon sa pagitan nila.

 “Wala naman. Let’s just say for example, kung lumipat, of course, mahabang usapan pa ‘yan and negotiation and all that. So, we will have to see,” pahayag ni PTV4 general manager.

Baka rin daw hindi nila kayanin ang talent fee ni Kris if ever man na magpadala ito ng filler sa istasyon.

“Can’t afford talaga. Hindi namin kakayanin,” natatawa niyang pahayag.

Samantala bukod sa paglalagay ng Koreanovela, marami rin daw pagbabagong mangyayari sa PTV4.

“We will be reformatting our newscast.  It’s still a working progress. In fact, for this first quarter, binago namin, we’re going to be introducing a new logo, new graphics na nag-umpisa nang gamitin.

“And basically, the way that we present newscasts and ‘yung news gathering sa field, iniiba na rin namin ngayon,” balita niya.

Dagdag pa ni Mr. Apolonio, “Then, of course, part nu’n is we’re going to start looking at ‘yung talagang mga bankable anchors. Ang problema, of course, ‘yung mga bankable anchors, mataas na ‘yan, eh, ‘yung mga bayad diyan, eh.

“So, at this point, we still can’t afford too much but instead, what we’ll do for now is look for anchor material na i-develop. In fact, it woul be an honor for us kung maka-develop kami ng down the road is magiging one of the premiere actors regardless kung saang network sila nando’n.”

Nagsisimula na rin daw bumili ang TV network ng mga bagong equipment para palakasin ang istasyon.

Sa tanong naman kung gagawa na rin ba sila ng teleserye  in the near future, sabi ni Mr. Apolonio, “Hindi yon ang priority. Hindi kakayanin ng budget. Hindi do’n ang focus namin,” pagtatapos niya.

Main photo credits to krisaquino IG