• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss World PH Catriona Gray reacts on rumors she will be joining Binibining Pilipinas

Miss World PH Catriona Gray reacts on rumors she will be joining Binibining Pilipinas

Dumating nitong Sabado si Miss World Philippines finalist Catriona Gray mula sa naging maikling bakasyon nito sa Canada at New York pagkatapos nitong lumaban sa Miss World pageant noong Disyembre.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/19/2017 11:18 PM
Miss World PH Catriona Gray reacts on rumors she will be joining Binibining Pilipinas


021917-CatrionaGray_PUSH.jpgDumating nitong Sabado si Miss World Philippines finalist Catriona Gray mula sa naging maikling bakasyon nito sa Canada at New York pagkatapos nitong lumaban sa Miss World pageant noong Disyembre.

Mainit na sinalubong ng mga fans at supporters si Catriona nang dumating ito sa Pilipinas. Dito nakapanayam din ng sikat na pageant website na Sash Factor ang dalaga tungkol sa mga maugong na bali-balitang paglahok nito muli sa iba pang beauty contest gaya nga Binibing Pilipinas.

"There's a chance naman, I'm keeping my options open,I'm flattered and grateful that everyone really believes in me so much, and there's much noise from Miss World," pahayag ni Catriona.

Nais lang din daw muna mag pahinga ng dalaga dahil ibinigay niyang lahat ang kanyang best sa naganap na Miss World last year.

"So I'm not gonna close the doors on it, but for now I'm asking people to let me rest muna, like I said I did give so much in Miss World, and I'm going to fulfill my reign," giit pa ng beauty queen. 

Nilinaw din niya na nais muna niyang gampanan ang kanyang mga Duties and responsibilities bilang Miss World Philippines pero bukas siya sa posibilidad ng pagsali sa ibang contest. 

"It's not going to be this year.. I really want to fulfill my duties and do as much as I can for my charity and beyond but yes I'm open naman," pagkatapos ni Catriona.

Main photo credits to catriona_gray IG