• Home
  • Fresh Scoops
  • Lyca Gairanod reveals which impersonation she felt more challenged in “Your Face Sounds Familiar Kid

Lyca Gairanod reveals which impersonation she felt more challenged in “Your Face Sounds Familiar Kid

Lyca also shares her happiness over first starring role in a movie.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/19/2017 11:19 PM
Lyca Gairanod reveals which impersonation she felt more challenged in “Your Face Sounds Familiar Kid


021917-LycaGairanod_PUSH.jpgBukod sa weekly appearance ni Lyca Gairanod sa “Your Face Sounds Familiar Kids,” excited ngayon ang child performer sa panibagong break na kanyang nakamit kung saan magbibida siya sa isang pelikula.

Kasama si Lyca at ang iba pang malalaking bituin sa upcoming movie na “Tatlong Bibe.” Makakasama din ni Lyca ang cute child actors na sina Marco Masa at Raikko Mateo.

Sa panayam na ito ng PUSH kay Lyca sa media presentation ng kanyang upcoming movie, naibahagi ng child performer ang kanyang pananabik sa kanyang bagong proyekto.

"Siyempre happy po ako kasi bukod po sa pag kanta ko po, na discover na din po ako na umaarte din po ako and sobrang happy po kasi magkaroon na po ako ng movie," lahad ni Lyca. 

Sa usapin naman tungkol sa YFSF Kids, kwento ni Lyca na may mga pag kakataon na talagang nahihirapan siya sa pag gaya sa mga weekly assignment nila.

"Sobrang hirap din po mang gaya, kasi may mga technique din po sila na kailangan mataandaan and always po dapat galingan tuwing performance and tuwing episode po para maging maganda po ang maging reaksyon ng audience at judges po," ani pa nito.  

Naibahagi din ni Lyca ang mga favorite performance niya at ang pinaka challenging icon na kanyang ginaya.

"Nahirapan po ako , kasi malayo po kasi sakin ang boses ni Bonnie Tyler. Tapos ang favorite ko naman po si Tina Turner po, kasi doon po ako nag-champion and sobrang nakakatuwa po pala siya, ang galing po pala niya mag-perform nung pinanuod ko." 

Kahit na tumitindi ang mga performance ng mga cute little kids, kwento ni Lyca na ni minsan ay hindi nila naramdaman na may competition sila sa mga kapwa contenders.

"Wala po, kasi nag-eenjoy lang po kaming lahat at parang naglalaro lang po kami sa buong show. Hindi din po namin iniisip na nag lalaban-laban kami, Lahat po kasi magaling. Wala po akong masasabi na mas magaling pero nag-eenjoy po ako panuorin si Awra po, kasi nakakatuwa po talaga siya at nakakatawa siyang kasama," pagkatapos na kuwento ni Lyca.