Local Valentine's Day concerts to stage repeat shows

"Love Throwback 2" and "Masquerade" will be staged again in the coming months.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/19/2017 11:17 PM
Local Valentine's Day concerts to stage repeat shows


021917-Valentines_PUSH.jpgMagkakaroon ng repeat shows ang ilang matagumpay na Valentine's Day shows na pinilahan sa katatapos lang na love season.

Una sa nag announce na magkakaroon ng repeat ay ang "Love Throwback 2" na naganap sa PICC Plenary Hall, kung saan nag sama-sama sina Haji Alejandro, Ariel Rivera, Joey Generoso, Nina, Jinky Vidal at Christian Bautista para i-perform ang kanilang timeless love hits. Second night pa lang ng kanilang palabas ay formal na silang nag-announce na magaganap ang kanilang repeat sa May 27 sa kaparehong venue. 

Pangalawa sa nag-announce ng repeat show ang matagumpay na "Masquerade" concert kung saan nagsama ang Concert King na si Martin Nievera at Asia's Nightingale na si Lani Misalucha. Pinagsama sa concert na ito ang trademark performances nina Martin at Lani, including some covers of classic love songs na bentang benta sa kanilang audience. Magaganap ang repeat ng "Masquerade" sa March 11 sa Solaire Grand Ballroom, na same venue ng nauna nilang palabas.

Kino-consider din ng "Love In Motion" na pinangunahan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na magkaroon ng repeat show. Nabanggit ng kanilang publicist na si Chuck Gomez na hindi malayo mangyari ang repeat show na ito ni Gary dahil isang malaking tagumpay ang "Love In Motion" concert kung saan big band ang nakasama ni Gary na nagbigay ng bagong timpla ang kanyang mga kanta.