• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ejay Falcon admits he is not yet ready to settle down

EXCLUSIVE: Ejay Falcon admits he is not yet ready to settle down

Despite having a seriously relationship with Jana Roxas, Ejay Falcon explains why he isn’t ready to get married and start a family.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/19/2017 11:25 PM
EXCLUSIVE: Ejay Falcon admits he is not yet ready to settle down


022017-EJAY_Push.jpg

Marami-rami na sa mga kaibigan sa showbiz ni Ejay Falcon tulad nina Empress Schuck, former PBB housemates Matt Evans, Beauty Gonzales at Johan Santos ang nagkaroon na ng pamilya at nagkaanak pero ayon sa hunk actor, wala siyang balak na sumunod agad sa mga kaibigan.

 “Wala pa sa isip ko yan. Trabaho lang muna. Saka girlfriend-girlfriend lang muna,” sambit ni Ejay sa PUSH.

Eh, paano kung aksidenteng mabuntis niya ang non-showbiz girlfriend na si Jana Roxas?

 “Pipilitin kong hindi. May mga paraan naman (para di makabuntis), eh, di ba… may mga paraan naman,” sagot niya.

 Inamin din ni Ejay na bago ang plano niya na magkapamilya, babalikan muna daw niya ang pag-aaral ng college.

 “Siguro in three years babalik ako sa school. Pero gusto ko graduate na muna yung isang kapatid kong babae. Second year na siya, eh, pagka-graduate niya ako naman.

 “Inuna ko muna sila, eh. Kailangang maka-graduate muna sila tapos ako,” sambit pa niya.

 Ano ba ang course na gusto niyang kunin?

 “Iniisip kong mag-Business Management, ganyan. Iniisip ko rin yung Political Science, pero baka Business na rin lang.”

Naniniwala si Ejay na malaki ang magagawa ng edukasyon para mas ma-improve pa ang kanyang personality.

“Kahit kumikita ka na kasi iba pa rin yung nabibigay na kaalaman sa ekswelahan. Saka may mga bagay na hindi mo matututunan sa showbiz, na ibang tao yung magsasabi sa yo, ibang teachers mo, libro… iba talaga yong nag-aaral ka, eh.

“Kasi ako, alam ko sa sarili ko yan, na kailangan kong mag-aral. Ang dami kong hinahanap na dapat ko pang matutunan na hindi ko natututunan sa industriya ng showbiz,” paliwanag ng actor.

Gugustuhin din daw niyang pumasok talaga sa school at huwag mag-home study na lang pag bumalik na siya sa pag-aaral.

“Actually gusto ko ng tutor. Pero kung may time, kung kaya talaga ng oras ko, iba pa rin yung pumupunta talaga sa school para maramdaman mo na estudyante ka. Pero siyempre, hindi mo naman magagawa yon habang nag-aartista ka, so siguro school and then sa bahay minsan,” pagbabahagi ni Ejay sa kanyang plano.

 Dagdag pa ni Ejay, “May mga open university na rin naman ngayon na pwede kong pasukan. Basta gusto ko pong mag-aral at pipilitin kong gawin yon para sa future ko.”

Samantala, may ginagawang teleserye si Ejay sa ABS-CBN titled “The Promise of Forever” pero hindi pa alam kung kailan ito ipalalabas.