Liza Soberano reveals a new show is in the works

Liza Soberano also thanks LGBT community for idolizing her

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/18/2017 11:50 AM
Liza Soberano reveals a new show is in the works


021817-LizaSoberano_PUSH.jpgGame na game na nagpa-picture si Liza Soberano sa kanyang mga fans na matiyagang nag-abang sa kanya para sa product launch ng Titus Ballpen sa isang Mall nitong Friday, February 17.

Kita sa mga ngiti ng dalaga ang kasiyahan para sa patuloy na pagbuhos ng blessings sa kanya at para sa pagtabo sa takilya ng Valentine's Day movie nila ng kanyang onscreen partner na si Enrique Gil na My Ex and Whys.

"I'm just really overwhelmed for the outcome of our movie. Ang hinihingi lang po namin ay sana mas mataas lang ng kaunti sa last movie namin, but God gave more than what we asked. And of course, I just want to thank everyone who watched especially yung mga nagpa-block screenings. We really love you guys," masayang bungad ng dalaga.

Dahil sunod-sunod na ang kanyang proyekto, wala pa daw munang time magbakasyon ang dalaga.

"I wish I can rest, but I'm lucky kasi mayroon po akong mga endorsement and work agad. I will be working for a new soap na sinasabi ko po na kasama ako sa pilot week lang and then... mayroon na din pong pitching for an upcoming show so malapit na din po kami magka-idea for that new show," saad pa ni Liza.

Bukod dito, naibahagi din ni Liza na hindi niya isinasara ang posibilidad na pagsali niya sa Binibing Pilipinas para maging susuod na kinatawan ng Pilipinas sa international pageant Arena.

Lalo pang uminit ang balitang pagsali ng dalaga ng hilingin ito ng kanyang ama sa bahagi video message nito para sa isang episode ng Magandang Buhay.

"Yung daddy ko, I think it's a father’s dream talaga, especially my father na yung Soberano na last name ay makilala worldwide. But right now, I just want to focus on my acting, my studies I think I don't have time to commit to joining or prepare and train for it," paliwanag pa ni Liza.

Bukod dito, nagpasalamat din si Liza sa LGBT community na humahanga sa kanya at laging gumagaya sa kanyang beauty. Aniya, masaya siya at bilib din sa mga beki na madalas gumaya din sa knaya.

"Nakakatuwa, I love the LGBT community and I'm really happy that I'm able to reach out to them as well kasi a lot of my friends naman are beki. yung glam team ko lahat sila beki, so i really adore them," pagtatapos ng dalaga.