• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Xian Lim says he and Kim Chiu are closer now after their Valentine’s Day date

EXCLUSIVE: Xian Lim says he and Kim Chiu are closer now after their Valentine’s Day date

Xian Lim reveals how he and Kim Chiu celebrated Valentine’s Day.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/18/2017 11:53 AM
EXCLUSIVE: Xian Lim says he and Kim Chiu are closer now after their Valentine’s Day date


021817-XianLim_PUSH.jpgFlowers at red bike ang regalo ni Xian Lim sa rumored girlfriend na si Kim Chiu nu’ng Valentine’s Day. Pero bakit nga ba bike ang iniregalo niya kay Kim?

“Kasi nahihilig na rin siya sa pagba-bike. Tapos may binigay sa kanya na bisekleta para sa serye niya, pero yung binigay ko puwede siya sa lupa, puwede sa mga bato.

“Gumigising na siya ng mga 3 a.m. para lang mag-bike ngayon,” sagot ng hunky actor.

Eh, ano naman ang regalo sa kanya ni Kim?

“Yung oras niya. Hahaha!” biro niya.

“Hindi, binigyan niya rin ako ng para sa bike din, yung bike trainer, yung ikakabit mo siya sa bike tapos iaangat niya yung bike mo para hindi mo na kailangang lumabas at saka hindi ka na mahihirapan lalo na pag may taping,” seryoso na niyang sagot.

Ibinihagi rin ni Xian sa Push.com.ph kung paano nila isinelebreyt ni Kim ang Valentine’s Day. Ayon sa actor, magkasama sila ni Kim na umakyat sa bundok ng Pinatubo para sa isang adventure.

“Pumunta po kami ng Pampanga. Sinundo ko po siya sa bahay ng 3 a.m. tapos dumiretso kami ng Capaz, Tarlac kasi do’n po yung meet-up place ng parang gumagawa nung tour.

“Tapos from Tarlac sinundo kami ng 4 X 4, dinaanan namin yung lahar papunta do’n sa start nung camp. Then mga two hours kami paakyat ng bundok,” kuwento ng binata.

Dalawang celebrity lang silang kasama ng grupo na umakyat ng bundok and the rest daw ay mga mountain climber na.

Inamin din ni Xian na mas lalong naging intimate sila ni Kim habang umaakyat ng bundok.

“Siyempre yon talaga yung point don, eh, kasi mga dalawang oras kayong naglalakad. Kuwentuhan lang talaga at yon ang maganda, walang signal. Tapos kahit pagod na pagod ka na sa pag-akyat kailangan mo pang bumalik don sa Pinatubo, lalakad ka pa pabalik,” sey pa niya tungkol sa kanilang Valentine adventure ni Kim.

Pagkatapos daw nilang umakyat ng bundok ay nagpunta naman sila sa Deca Water Park sa may Clark, Pampanga para mag-wake boarding at ipagpag ang lahar na kumapit sa kanilang katawan.

“Pareho kaming hindi marunong mag-wake board, so, sinbukan namin, tapos nu’ng hinila na kami don na namin napagpag yung lahar,” natatawa niyang kuwento.

Once again, kinulit namin si Xian kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang aminin ang tungkol sa relasyon niya kay Kim.

“May tamang panahon naman po para umamin. Marami naman pong may alam tungkol sa amin pero kumbaga, kung yung label lang po yung hinihintay nila, parang may tama naman pong panahon for that,” paliwanag niya.

Sa tingin ba niya kailan yung sinasabi niyang tamang panahon?

“Mahirap masabi kung kailan yung tamang panahon, eh. Siguro, in the near future, pero ngayon po wala pang ano, eh,” pabiting pagtatapos ni Xian na napapanood na rin sa A Love To Last.