• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennifer Hammond shares details on who to expect in Binibining Pilipinas 2017

Jennifer Hammond shares details on who to expect in Binibining Pilipinas 2017

Jennifer Hammond and MaFae Yunon help raise funds for charity

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/17/2017 9:55 AM
Jennifer Hammond shares details on who to expect in Binibining Pilipinas 2017


021717-JenniferHammond_PUSH.jpgIsang post-Valentine's Day treat naman ang handog ng mga Pinay beauties na sina Bb Pilipinas Intercontinental Jennifer Hammond at 2003 Miss World Finalist Maria Rafaela Yunon na may temang "blind date." Dito nakatakip ang kanilang mga mata na makikipag-dinner for a cause kasama ang kanilang mga date at mga kaibigan.

Ito ay isa sa mga proyekto ng James Mackay Foundation na naglalayon na tumulong sa Philippine National School for the Blind.

Para kay Rafaela or MaFae, ito ang kanilang paraan ng pagsukli sa blessings na kanilang natatanggap.

"We do give back, we do help others that are less fortunate than us because there’s a reason that God gave us what we have, [it] is to share. When you share, tenfold comes back," pahayag nito.

Bukod sa kanilang mga advocacies na sinusuportahan, naibahagi din ni Jennifer na ongoing ang screening para sa Binibining Pilipinas 2017.

“Our reign is almost over. We’re just waiting to pass our crowns right now. We’re busy with the auditions until February 27. We’re very excited kasi there are a lot of women to watch out for, but as of now we cannot reveal it yet kasi mawawala yung element of surprise. Basta may artistahin, model, and from different professions. Talagang aabangan kasi matindi ang magiging competition," kuwento pa ni Jennifer.

Dahil katatapos lang ng 65th Miss Universe pageant sa bansa, aminado ang mga Pinay beauties na malaki na ang expectations ng mga pageant fans sa mga susunod na beauty queens na magre-represent ng Pilipinas.

“This time you have a lot of mentors, a lot of supporters. You have social media and traditional media, the awareness is there,” sabi pa ni MaFae.

Dagdag naman ni Jennifer, naging mas intresado ngayon ang mga kababaihan na lumahok dahil sa mga napatunayan ng mga pinay beauties sa International pageant arena.

"Yung expectations sa pageantry pataas ng pataas. Plus mas maraming people ang involved sa pageantry kaya maraming audience and mas marami din ang gusto sumali."

Magaganap ang "blind date" charity event sa February 19 at February 28, kung saan inaasahan ang pagdalo ng iba pang reigning queens. Ang Lahat ng kikitain ng naturang event ay mapupunta sa Philippine School for the Blind.