• Home
  • Fresh Scoops
  • Dionesia Pacquiao reveals reason for absence from movie press con

Dionesia Pacquiao reveals reason for absence from movie press con

Dionesia Pacquiao is still recovering from pneumonia.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/17/2017 8:58 AM
Dionesia Pacquiao reveals reason for absence from movie press con


021717-MommyDionisia_PUSH.jpgMay mahalagang papel si Mommy Dionesia Pacquaio sa pelikulang Tatlong Bibe at excited pa naman sana ito mag attend ng press conference ng pelikula na pinagbibidahan nina Marco Masa, Raikko Matteo at Lyca Gairanod pero nauwi sa phone interview ang ina ng Peoples Champ.

Naintindihan naman ng movie press ang naging dahilan ni Mommy D.

"Nadulas ako sa CR. Kakagaling ko kang sa ospital nadulas ako."

Pero kahit absent sa promotions ng pelikula, active naman nakipag-kuwentuhan sa telepono si Mommy D.

"Yung mga kasamahan ko sa ballroom dancing lahat sila manonood. Naka-ready na sila sa pagpapalabas ng pelikula."

Nagpapagaling pa ngayon si Aling Dionesia na mayroon din pneumonia pero lumalakas daw siya dahil maganda ang feedback sa kanilang pelikula.

"Andami nagsasabi na maganda ang pelikula namin, ang ganda raw tingnan kaya nakakatuwa naman," pagtatapos ni Mommy D.