Amy Perez' househelp arrested for qualified theft

Rose Besano worked for Amy Perez' family for 4 years.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/17/2017 10:01 AM
Amy Perez' househelp arrested for qualified theft


021717-AmyPerez_PUSH.jpgIpinaaresto ng ABS-CBN host na si Amy Perez at ng kanyang mister na si Carlo Castillo ang kanilang kasambahay na si Rose Besano.

Nagsimula ito ng magpaalam si Rose na pansamantalang aalis para magbakasyon ngunit babalik kaagad dahil kailangan niya ng trabaho. Dito napag alaman ng mag asawang Amy at Carlo na di ibinibigay ni Rose ang kanilang association dues sa village na kanilang tinitirhan na umabot na ng isang taon. Nawawala rin ang mamahaling mga relos ng mag asawa na aabot sa halagang 260 thousand pesos.

Naaresto naman kaagad si Rose sa ginawang entrapment operation ng QCPD. Nakuha kay Rose ang tatlong relos ngunit wala na ang cash. Sa presinto napag alaman na nagkakautang din si Rose sa mga kapitbahay na kasambahay din. Inamin pa ni Rose na sa loob ng apat na taon niyang paninilbihan sa mag asawang Amy at Carlo ay marami na siyang nakuhang pera, groceries, alahas, laruan ng bata at mga damit.

Pormal nang kinasuhan ang kasambahay ng kasong qualified theft.

Sa morning show na "Umagang Kay Ganda" nagsalita si Amy ng kanyang saloobin sa pangyayari.

"Hindi ko ugali na magbukas ng social media ng ibang tao dahil personal na nila yun, pero nang sinilip ko, nagulat ako sa pictures niya doon meron nasa kama namin, suot niya mga damit at salamin ko. Nakakagulat," kwento ng TV host.

Higit sa nawalang mga bagay sa kanilang pamilya mas masakit ang nawalang tiwala sa isang tao ma itinuring na nilang hindi iba sa kanilang pamilya.

"Ang masakit sa akin affected ako, ang mga anak ko, kasi tiwala na kami sa kanya di na namin siya itinuring na iba. Kapag birthday niya sine-celebrate yan, kasama siya sa mga byahe namin, kasama ng mga bata, masakit sa amin lahat iyan," pagtatapos ni Amy.