• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga and Erich Gonzales meet again to discuss issues personally

Daniel Matsunaga and Erich Gonzales meet again to discuss issues personally

The former couple sat down in a 3-hour meeting with Star Magic head Johnny Manahan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/16/2017 6:03 PM
Daniel Matsunaga and Erich Gonzales meet again to discuss issues personally


021617-DanRich1_PUSH.jpgIpinatawag ni Star Magic head Johnny Manahan kahapon (Feb. 15) ang dating magkasintahang sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Nagharap at nagkausap ang dalawa sa opisina mismo ng Star Magic.

Matagal na nag-usap ang dalawa na halos umabot pa ata ng 3 oras. Sa kalaunan ay naging maayos naman daw ang pag-uusap at naresolve ang isyu.

Matatandaang naging kontrobersyal ang paghihiwalay ng ex couple dahil sa isyu ng pera na naging dahilan diumano ng hiwalayan. Nagsalita rin about this ang kapatid ni Daniel na si Vanessa na kaagad din namang sinagot ni Erich.

Dahil sa kanilang pag-uusap ay marami naman ang umaasa na magiging maayos na ang lahat. Nag-isyu na rin ng statement ang Star Magic tungkol dito. Here it goes:

"Nagharap kahapon sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa Star Magic office para pag usapan ang mga issues na may kinalaman sa kanilang hiwalayan.

" Naging maayos ang usapan nilang dalawa. Walang kinalaman ang pera o third party sa kanilang paghihiwalay. 

"Pakiusap nina Erich at Daniel na huwag idamay ang kanilang pamilya sa issue. Hiling rin ng dalawa ang pag-unawa at pagkakataong maayos ng pribado ang kanilang relasyon. 

"Maraming salamat po."

Abangan ang ibang detalye sa TV Patrol.