• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao shares her thoughts on her mature role in ‘The Better Half’

Shaina Magdayao shares her thoughts on her mature role in ‘The Better Half’

Shaina Magdayao hints that she went on a journey of ‘self-healing’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/16/2017 6:56 AM
Shaina Magdayao shares her thoughts on her mature role in ‘The Better Half’


021617-ShainaMagdayao_PUSH.jpgBagong Shaina Magdayao ang napapanood tuwing hapon sa teleseryeng The Better Half. Ayon kay Shaina, ito na ang pinaka-mature role na kanyang nagawa na humamon sa kanyang talento bilang artista.

“It is something new. Gaya nga ng nasabi namin kanina, it’s a big risk or a leap because hindi namin tina-tackle nito ng romance lang or family drama lang. Mayroon siyang psychological thriller na kasama,” panimula ng aktres.

Nag react din siya sa mga fans na tila naiinip na may mangyari sa kanyang love life.

“Bored na ang nga tao. Sabi ko nga mas impatient na ang mga tao kaysa sa akin. Lahat tayo dumadaan sa journey ng self-healing and you’ll know na when you’re ready,” ani pa ng aktres.

Sa isang statement na pinadala sa ni Shaina sa Tonight With Boy Abunda, kinompirma ng aktres na exclusively dating sila ni Piolo Pascual.

Araw araw napapanood si Shaina sa teleseryeng The Better Half pagkatapos ng It's Showtime.