Bela Padilla clarifies issues linking her to Zanjoe Marudo

Bela Padilla says she does not want any awkwardness between her and Zanjoe Marudo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/15/2017 8:02 AM
Bela Padilla clarifies issues linking her to Zanjoe Marudo


021517-BelaPadilla_PUSH.jpgAbala nitong Valentine's Day ang kapamilya actress na si Bela Padilla sa kanyang TV at movie projects. Mula sa gabi-gabing teleserye na My Dear Heart, busy din si Bela sa shooting ng upcoming movie ng Viva Films na Luck at First sight kung saan makakatambal niya si Jericho Rosales.

Kamakailan ay nag-split si Bela at ang kanyang long time boyfriend na si Neil Arce, kung kaya mas ginugugol na lamang ng aktres ang kanyang oras sa mga errands.

"Wala po akong plans sa Valentines, baka po may taping po ako non e. Tsaka hindi ko alam. Andon pa ako sa stage na araw-araw ako nagtratrabaho so hindi ko pa na-assess ang mga bagay na nasa paligid ko right now. Hindi ko pa din na-assess kung okay na din ba ako o hindi pero I'm okay. Ayaw ko lang magmadali sa love life," panimulang kuwento ng dalaga.

Deadma naman ang aktres sa mga nagbibigay malisya sa kanila ni Zanjoe Marudo na kanyang kasama ngayon sa My Dear Heart. Aniya, mabuting tao si Zanjoe at ayaw niya magkaroon sila ng ilangan sa trabaho.

"Sobrang bait din ni Zanjoe. Ayaw ko din naman siya bigyan ng problema. I mean ayaw ko din mang-hassle ng tao," sabi pa ni Bela.

Pahayag pa ng aktres, mabuti ang pagkakaibigan nila ni Zanjoe at ayaw niya maging dahilan ang mga issue ang makasira sa kanilang samahan.

"Ayaw ko lang po na pinapangunahan ako agad na pakiramdam ko po awkward na po pag ganon. Tapos awkward din po sa set. Parang naiisip ko din po na baka ganun ang iniisip sa akin ng mga tao, e right now ang ganda po ng working experience namin," patapos na kuwento ni Bela.