• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez reacts to possible frontal nudity scenes for son Andrei

Aiko Melendez reacts to possible frontal nudity scenes for son Andrei

Aiko Melendez says she finds kontrabida roles more challenging.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/16/2017 6:54 AM
Aiko Melendez reacts to possible frontal nudity scenes for son Andrei


021617-AikoMelendez_PUSH.jpgBukod sa pelikulang Balatkayo ng BG Productions, abala rin si Aiko Melendez sa taping ng teleserye ni Maja Salvador na Wildflower.

Sa dalawang naturang project, magkaiba ang karakter na ginagampanan ni Aiko. Sa Balatkayo ay isang inang OFW siya na nagkaproblema sa lalaking anak na may sex scandal pero sa Wildflower ay siya naman ang magpapahirap sa karakter ni Maja.

“Sa Wildflower, ibang-ibang Aiko ang makikita nila at yung sagupaan namin ni Maja is something na dapat nilang abangan. Ang character ko kasi dito is strong but deep inside ay kawawa. Dapat din nilang abangan kung bakit siya nagkaganoon. Kumabaga, may pinanggalingan ang kasamaan ko rito,” kuwento ni Aiko about her role sa Wildflower.

Inamin din ng aktres na gusto niya ang gumanap na kontrabida dahil mas natsa-challenge siya rito.

“Mas masarap talagang laruin ang pagiging kontrabida. At saka challenge iyon sa akin, bilang mabait naman akong tao in real life,” komento pa niya.

Pero how true na mapili talaga siya sa pagtanggap ng role sa TV at pelikula?

“’Yung sa pagpili ng role, mapili talaga ako. In fact, hindi naman lahat nang inu-offer sa akin, gina-grab ko ’yung opportunity. I really read the script by heart, not only once, twice. I read it as much as possible,” pagtatapat niya.

Alam ba niya na may frontal nudity ang baguhang aktor na si James Robert sa latest film niyang Balatkayo?

“Nalaman ko na lang sa presscon,” natatawa niyang sabi. “Pero yung movie kasi is tungkol sa anak na na-involve sa isang sex scandal habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang parents niya ang Balatkayo kaya siguro hindi yon maiwasan,” esplika pa niya.

Eh, what if may offer anak niyang si Andrei na nag-aartista na rin ngayon at napapanood na sa The Greatest Love na nire-require ang frontal nudity?

“Puwede ba akong ma-heart attack with that question? I am not ready for it because I think my son is not ready yet,” gulat niyang pahayag.

“Si James kasi he's already 22 and he’s of age and can already decide for himself but for me as a mother, I don’t think my son is ready for that kind of role because to begin with, si Andrei ’yung role na naibibigay sa kanya is wholesome at saka ’yung mukha ni Andrei kasi, hindi ko nakikitang magsi-sexy siya,” paliwang ng aktres.