• Home
  • Fresh Scoops
  • Wynwyn Marquez, Catriona Gray, Liza Soberano share thoughts on Binibining Pilipinas 2017

Wynwyn Marquez, Catriona Gray, Liza Soberano share thoughts on Binibining Pilipinas 2017

Liza Soberano says she is still not ready to join a beauty pageant.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/15/2017 7:53 AM
Wynwyn Marquez, Catriona Gray, Liza Soberano share thoughts on Binibining Pilipinas 2017


021517-BbPilipinas_PUSH.jpgMainit ngayong inaabangan ang mga kababaihan na sasali para sa papalapit ng Binibining Pilipinas 2017 upang maging representante ng Pilipinas sa iba't ibang international pageant.

Ilan sa matutunog na pangalan ay ang mga trainees ng kilalang Beauty Queen maker at expert na si Jonas Gaffud na siyang nag-train kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, 2016 Miss International Kylie Verzosa, at 2013 Miss World Megan Young.

Sa ngayon hindi pa opisyal na pinapangalanan ang mga kababaihan na maaring lumahok sa ilalim ng pamumuno ng Aces & Queens, pero ilan sa mga matunog ngayon ay ang anak ni Joey Marquez at Alma Moreno na si Wynwyn Marquez na nanunang sumali noong 2015.

Kabilang din sa matunog na pangalan ay ang Miss World 2016 Finalist na si Catriona Gray na supportado umano ni Cory Quirino at ng pamumuan ng Miss World Philippines kung ano ang magiging desisyon nito.

Samantala sa naganap naman na guesting ni Liza Soberano sa Magandang Buhay, bahagi ng video message ng ama ni Liza na nais umano nito na sumali ang anak na si Liza sa Binibining Pilipinas, ngunit ayon sa dalaga ay hindi pa niya sigurado ito.