• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson admits it feels good to catch up with Kim Chiu again

Gerald Anderson admits it feels good to catch up with Kim Chiu again

Gerald Anderson says he and Bea Alonzo are still in the getting to know each other stage.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/14/2017 9:06 AM
Gerald Anderson admits it feels good to catch up with Kim Chiu again


021417-GeraldAnderson_PUSH.jpgPresent ang ilan sa mga bigating bituin para sa pagdiriwang ng 25th anniversary ng Star Magic kabilang sina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria at Jericho Rosales.

Kabilang din sa mga dumalo si Gerald Anderson na naging Star Magic artist pagkatapos siyang ma-discover sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasama ni si Kim Chiu na kapwa naging Star Magic artist din.

Sa kanilang pagbabalik tambalan para sa isang proyekto na nakatakdang mapanuod ngayong taon, masaya si Gerald sa muling pagbabalik din ng kanilang pagkakaibigan ni Kim ten years after nilang huling magkatrabaho.

"Happy lang ako na nakakasama ko siya ulit, walang words para i-describe yung saya ko kasi ten years ago kasama ko siya. Wala din naman ako dito kung hindi dahil sa kanya and also it feels good to catch up ulit sa mga bagay na pinagkaka-abalahan na namin ngayon," ani ni Gerald.

Bukod dito mas happy din umano si Gerald sa magandang takbo ng kanilang relasyon ng rumored girlfriend na si Bea Alonzo na nagbibigay umano ng ispirasyon sa kanya.

"Yes of course, yun yung point kung bakit kayo nag-spend ng time with the person you love ‘di ba? Kasi na-iinspire ka and dapat na iinspire mo din siya," masayang pahayag ni Gerald.

Paglilinaw pa ng aktor, nasa getting to know each other stage pa din daw sila ni Bea dahil hindi nila minamadali ang mga bagay-bagay.

"Again, alam ko hindi po kami nagmamadali. Alam ko nakakasawa na pakinggan, ngayon kasi marami pa kaming nalalaman sa isa't isa. Sobrang dami ko natutunan sa kanya. Bilang isang lalaki malaking bagay yun para sa akin," saad pa ng aktor.

Pagbibiro pa ni Gerald hindi daw siya magdadalawang isip na ibahagi sa lahat kapag naging official na ang kanilang relasyon ni Bea.

"I mean sanay na kayo sa akin na masyado akong private na tao lalo pagdating sa relationship, but kung magiging kami bakit ko naman itatago yun," pagtatapos na pahayag ni Gerald.