• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Polo Ravales admits he almost left showbiz to work abroad

EXCLUSIVE: Polo Ravales admits he almost left showbiz to work abroad

Polo Ravales says he’s very grateful to ABS-CBN for letting him act again.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/15/2017 7:51 AM
EXCLUSIVE: Polo Ravales admits he almost left showbiz to work abroad


021517-PoloRavales_PUSH.jpgTwo years na walang trabaho sa GMA-7 si Polo Ravales bago siya napunta sa ABS-CBN at magkaroon ng mga TV guestings hanggang maging regular cast member ng Doble Kara. Naisip na raw niya noon na layasan ang Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa dahil wala na siyang acting job.

“Balak ko ng mag-America that time. Nando’n kasi ang kapatid ko, accountant siya do’n kaya do’n ko na rin naisip magtrabaho. Honestly, hindi ko alam kung anong trabaho, basta bahala na, sapalaran na lang.

“Imagine, wala akong TV show for two years kaya nagkaroon na rin ako ng thinking na baka hindi na para sa akin ang showbiz,” kuwento ni Polo sa naging plano niya noon.

Pero nabago raw ang kanyang plano dahil pakiramdam niya ay dininig ng Diyos ang kanyang dasal.

“I prayed sa Baclaran ng four consecutive Wednesdays. Sabi ko, ‘Lord, may lugar pa ba ako sa showbiz or pupunta na ako ng America?’ Tapos biglang tumawag sa akin yung Doble Kara na kinukuha nila ako for a role,” dagdag na kuwento pa niya sa Push.com.ph.

Pagkatapos niyang lumabas sa Doble Kara, hindi in-expect ni Polo na magtutuluy-tuloy ang character niya sa afternoon series bilang lover ni Maxene Magalona.

“I thought mga two taping days lang ako do’n. Pero mabait ang ABS-CBN at mabait si Lord, maybe nagustuhan nila yung acting ko kaya tumagal ako sa show,” sey pa niya.

Ano ba ang naging realization niya nu’ng time na wala na halos siyang career sa showbiz?

“Do’n ko na-realize na kahit gaano ka kasikat sa showbiz o kung sikat ka ngayon, hindi ibig sabihin no’n na you’ll stay. So hindi ko alam kung bakit… puwedeng wala na ako, eh, pero Doble Kara made me a better actor.

“Iba yung impact nung nagbalik ako sa pag-arte, sobrang lakas. Tapos magandang show din yung napuntahan ko kaya I’m very thankful sa ABS kasi inalagaan talaga nila yung role ko. Talagang pinaganda nila yung role ko,” sabi pa niya.

Dahil din sa Doble Kara ay may bagong show na ulit sa ABS-CBN si Polo sa unit naman ng Star Creative.

“Siguro, maraming naka-appreciate ng acting ko sa Doble Kara. Siguro nakita nila na marunong pala akong umarte or nagalingan sila sa akin,” dagdag pa niya.

Bukod sa bagong teleserye, may pelikula rin ngayon si Polo. Kasama siya sa cast ng pelikulang Balatkayo ng BG Productions na idinirek ni Buboy Tan. Ginagampanan niya ang role ng mister ni Aiko Melendez na OFW.