• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ejay Falcon admits his current relationship set up is ideal for him

EXCLUSIVE: Ejay Falcon admits his current relationship set up is ideal for him

Ejay Falcon says having a non-showbiz girlfriend is what works for him now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/14/2017 9:00 AM
EXCLUSIVE: Ejay Falcon admits his current relationship set up is ideal for him


021417-EjayFalcon_PUSH.jpgInamin ni Ejay Falcon sa interbyu namin na mag-a-apat na buwan na silang mag-on ni Jana Roxas na dating contestant noon ng reality program na StarStruck. So far, going strong din daw ang kanilang relasyon at wala silang nagiging problema.

“Pero almost one year muna kaming naging magkaibigan. Si Johann (Santos) ang nag-introduce kay Jana sa akin. Lumalabas-labas muna kami noon bago naging official na kami,” simulang kuwento ni Ejay sa Push.com.ph kung paano sila nagkakilala ng girlfriend.

Gaano ba siya ka-romantic kapag may girlfriend?

“Parang lahat naman ata ng nai-in love romantic, di ba? Mahilig akong magbigay ng flowers. Kahit nga yung mga titas ko na may mga birthday nagpapadala ako ng bulaklak,” sagot ng actor.

Ayon pa kay Ejay, masaya siya sa set up ng relasyon nila ngayon ni Jana dahil hindi niya ito kailangang itago sa publiko na katulad ng ibang past relationship niya.

“Noon kasi bata pa ako, eh, saka feeling ko may pagka-immature pa. Hindi ko pa alam kung paano pagsabayin yung love life saka trabaho. At saka takot ako noon, yung parang paano yung love team ko, yung mga ganu’n-ganu’n.

“Eh, ngayon alam ko naman sa sarili ko na kaya ko naman. At saka wala naman akong love team na kailangang ingatan… wala naman,” pahayag niya.

Ipinagmalaki din ni Ejay na very supportive at hindi selosa ang kanyang kasintahan.

“Hind siya selosa. Kita mo naman yung ginagawa kong mga roles, di ba, like don sa Pasion de Amor na may leading lady ako, yung Extra Service, si Arci (Muñoz), pero supportive siya talaga. Napaka-supportive niya.”

Si Yam Concepcion ang huling naging showbiz girlfriend ni Ejay. Ayaw na ba niya sa taga-showbiz kaya niya niligawan si Jana?

“Hindi naman sa ganu’n. Ang maganda kasi sa kanya, galing siya sa showbiz dati kaya naiintindihan niya yung trabaho ko.

“Actually, wala naman sa showbiz o non-showbiz yon, eh. Nasa tao na rin yon kung paano niya i-handle. Ako, nagpapasalamat siya na ganu’n siyang mag-handle ng relasyon namin.

“At saka, hindi rin naman talaga ako nagkaroon ng non-showbiz girlfriend kasi ang mundo ko talaga nung nag-artista ako paglabas ko ng PBB showbiz na lahat ang naging kaibigan ko,” katwiran pa ni Ejay.

Eh, what if mag-decide ulit ang GF niya na bumalik sa showbiz?

“Hindi naman kasi siya yung lumalapit sa pagkakataon. Pero kung may mag-inquire, baka. Hindi ko alam, hindi pa namin napag-uusapan. Pero sa ngayon, okey naman siya, eh. Steady lang.

“Pero kung susubukan niya ulit mag-showbiz, okey din lang sa akin. Magiging selfish ba ako kung talagang gusto niya? Siyempre, hindi naman. Siya naman ang magdedesisyon tungkol diyan, eh,” pagtatapos ni Ejay.