• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Ruel Bayani reveals ‘Wildflower’ behind-the-scenes

Director Ruel Bayani reveals ‘Wildflower’ behind-the-scenes

Director Ruel Bayani says ‘Wildflower’ is better than ‘Pasion de Amor.’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/14/2017 8:45 AM
Director Ruel Bayani reveals ‘Wildflower’ behind-the-scenes


021417-Wildflower_PUSH.jpgNagsimula na nitong Lunes, February 13, ang bagong teleseryeng Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Paghihiganti at pagmamahal sa pamilya ang sentro ng istorya na naibahagi ni director Ruel Bayani, head ng RSB Unit ng ABS-CBN at siyang producer ng Wildflower na kailangan maging extreme ang mga eksena sa bagong seryeng ito na puno ng emosyon.

"Sa aming palabas, naniniwala kami na ang revenge ay dapat nasa extreme kasi kung malamya lang siya at hindi intense bakit pa siya naging revenge? So tama lang na wild ang revenge dahil ito ay sagad sa emosyon ganun din ang palabas na ito sagad sa lahat ng bagay."

Malaking challenge din na malagpasan ang naging tagumpay ng Pasion De Amor na nasa ilalim din ng pamamahala ni Direk Ruel. Pero ngayong nabuo na nila ng kuwento ng Wildflower at handa na itong ihatid sa manonood, masasabi ni Direk Ruel na ito na ang lalagpas sa ganda ng Pasion.

"Matagal na nga hinihintay ng management na mag produce ako ulit ng show na ganoon dahil naging napakamatagumpay noon at proud doon ang aming unit pero ng mabuo itong Wildflower masasabi ko na mas maganda ito kaysa sa Pasion de Amor.

Maganda ang naging reaction ng netizens sa teasers pa lang ng bagong telesereng ito ni Maja kaya’t positibo ang lahat na mainit ang magiging pagtanggap ng viewers dito sa pagpapalabas sa telebisyon.

"Hindi madali magkatagpo-tagpo ang mga bagay-bagay kaya napakapalad namin na we have a better show a better program and we are very proud na i-present sa inyo lahat ito," sabi pa ni Direk Ruel.