• Home
  • Fresh Scoops
  • Nathalie Hart excited to work with Xian Lim and Coleen Garcia in new Star Cinema movie

Nathalie Hart excited to work with Xian Lim and Coleen Garcia in new Star Cinema movie

The actress says it’s because of her CinemaOne Originals movie “Tisay” that she is cast in Xian and Coleen’s upcoming film.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/12/2017 11:33 PM
Nathalie Hart excited to work with Xian Lim and Coleen Garcia in new Star Cinema movie


021317-NatalieHart_PUSH.jpgSa birthday bash ng BG Productions producer at tinaguriang Queen of Indie Film na si Baby Go ay inamin ni Nathalie Hart na bukod sa pagiging artista, nagtatrabaho din siya ngayon sa isang software company bilang marketing direktor.

Hindi rin daw naging isyu sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya ang frontal nudity na ginawa niya noon sa “Siphayo” to get the job.

“Not at all. Yung expertise ko naman sa marketing ang tinitingnan nila hindi yung image o previous works na ginawa ko, eh,” katwiran pa niya.

Masaya ring ibinalita ni Nathalie who has a new film titled “Balatkayo” na pinagbibidahan naman ni Aiko Melendez under the direction of Buboy Tan na gagawa siya ng pelikula sa Star Cinema.

“Meron akong project for Star Cinema, so kailangan ko ding bumalik.  I think the other actors are  Xian Lim and Coleen  Garcia and it’s called ‘Paradise Island.’ Ngayon, pini-fix pa lang yung character,” balita ni Nathalie sa PUSH.

Dagdag pa ni Nathalie, hindi raw sexy ang pelikula na katulad ng mga ginawa niya noon.

“Rom-com siya so it’s gonna be funny. May mga scenes na siyempre, naka-two-piece sa island but not too crazy, kasi Star Cinema pa rin yon, hindi naman puwedeng R-16.”

 Ano ba ang feeling na parang naka-graduate na kaagad siya sa paggawa ng bold film now that she is working with Star Cinema?

“It’s exciting for me and I’m very happy kasi I’m having another job because you know, being an actress doesn’t really pay all my bills.  Very thankful din ako and very blessed with everything that’s given to me,” reaksyon pa niya.

Bukod sa pagiging  marketing director ng isang software company ay balak ding magtayo ni Nathalie sariling accessory and bag line.

“Kailangan ko talagang mag-work kasi I’m supporting my brother in college so I cannot… I think, being artista is okay kung ako lang, pero kung may sinusuportahan  ka, kulang talaga and if you’re starting hindi naman  sobrang laki agad ng kinikita mo, eh.

“Pag matagal na, do’n na yung malaking pera, di ba?

“Sana after kong mag-work sa Star Cinema, dumami na ang pera ko,” biro pa niya.

Ipinagmalaki din ni Nathalie na kaya siya nakuha sa Star Cinema  ay dahil sa Cinema One Originals movie niya na “Tisay.”

“Nakita ni Ms. Malou (Santos) yung movie na ‘Tisay’ tapos nagustuhan niya ako, so nagkaroon kami ng meeting at sabi niya we’re doing a movie and we want you to be part of it.  So, I was very happy. Excited na akong matapos  na yan,”  kuwento pa ni Nathalie.

Samantala, bukod kay Nathalie at Aiko, kasama rin sa “Balatkayo” sina Polo Ravales at former PBB housemate Rico Barrera. Introducing naman sa  pelikula ang Cebuano actor na si James Robert.

Photo credits to: imnathaliehart IG