• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola reveals Valentine's Day plans with Luis Manzano

Jessy Mendiola reveals Valentine's Day plans with Luis Manzano

Jessy Mendiola reveals Valentine's Day plans with Luis Manzano

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/12/2017 11:55 PM
Jessy Mendiola reveals Valentine's Day plans with Luis Manzano


021217-JessyMendiola_PUSH.jpgMaraming aasahan ang fans ni Jessy Mendiola mula sa magandang aktres matapos niyang mag renew ng kontrata bilang isang Kapamilya. Pero bago simulan ang mga proyekto para sa kanya, bakasyon muna ang uunahin ni Jessy na matagal ng naka plano.

"Right now nasa planning pa lang kami and I'm taking a short break right now. Nag uusap-usap pa lang kung ano ang gagawin kasi last year jampacked!" bungad na kwento ng aktres.

Ibinahagi na rin ni Jessy ang kanilang plano ni Luis ngayong Valentine's Day.

"Dive kami! (laughs) yun lang naman ang lagi ginagawa namin and busy siya ngayon. Mag-plan lang kami ng mabilisan celebration eh saan pa ba ang malapit and beach yung hilig namin eh," sabi ni Jessy.

Kung plantsado na ang itinerary nila sa Araw ng mga Puso, mukhang madedelay naman ang kanyang regalo sa kanyang boyfriend dahil inorder pa daw niya ito at di aabot sa February 14.

"Meron! Pero mukhang male-late ng konti! Kasi inorder ko pa yun and isi-ship pa lang pero secret na lang muna kung ano siya," sabi pa ni Jessy.