• Home
  • Fresh Scoops
  • Is Gary Valenciano pressured with his upcoming Valentine’s Day concert?

Is Gary Valenciano pressured with his upcoming Valentine’s Day concert?

The singer admits it’s been a while since he staged a solo Valentine’s Day concert.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/12/2017 11:34 PM
Is Gary Valenciano pressured with his upcoming Valentine’s Day concert?


021217-GaryValenciano_PUSH.jpgMore than kaba, mas excited na ngayon si Mr. Pure Energy Gary Valenciano para sa kanyang pagbabalik sa concert scene ngayong Valentine's Day, ang “Love In Motion Concert” na magaganap ngayong February 14 and 15 sa Shangrila, The Fort, BGC sa Taguig.

Sa kanyang paghahanda para sa concert,naibahagi ni Gary ang pangunahing layunin ng kanyang concert.

"What's good about this ‘Love in Motion,’ ibang love in motion talaga to, kasi yung pag punta ng mga tao sa concert ay yung 100 percent of the proceeds ay mapupunta sa mga nasalanata ng Typhoon Nina sa Bicol Region."

Dahil natagalan din bago nakapag concert si Gary ng solo on a Valentine's Day, hopeful si Mr. Pure Energy na makakapag bigay kilig pa din siya sa kanyang mga manunuod.

"Sana I can encourage … makapag pakilig pa rin sa mga nakikinig sa ‘kin, pero it's been a while na din kasi last time na nag-solo concert ako, it was in 2003 and I considered it as my solo concert, kasi ang karamihan din ng concert na ginawa ko mayroon na akong kasama," kwento pa nito. 

Bukod dito ramdam din daw ni Gary ang pressure noong una siyang mag desisyon na mag concert, pero naniniwala siya na magiging maganda ang feedback ng lahat ng mga may concert ngayong V-Day dahil ang lahat ng tao ay nais mag-celebrate.

"Marami talaga kami, pero wala naman ata sa kanila ang na pe-pressure, kasi nga everybody goes out to celebrate Valentine's Day. Kung ako lang naman ang may concert on a Valentine’s at lahat nagpunta doon sa venue ko hindi din kakasya ang tao, lalo pa at sabik din ang mga tao ngayon na ma-entertain, at kiligin ng konti and there's a concert for every kind of couple out there. Lahat mayroon," pagtatapos ni Gary.  

Bukod kay Gary tampok din sa “Love in Motion”  ang AMP Band, The Manouvers at ang singer-performer na si Anna Fegi, sa direksyon ni Paolo Valenciano (stage director) and Mel Villena (musical director).