• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador wants her next relationship to be ‘The One’

Maja Salvador wants her next relationship to be ‘The One’

Maja Salvador says she is just happy with her blessings right now.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/12/2017 7:58 AM
Maja Salvador wants her next relationship to be ‘The One’


021217-MajaSalvador_PUSH.jpg

Ngayong Lunes, February 13, masasaksihan na ang muling pagbabalik ni Maja Salvador sa TV sa kanyang bagong teleserye na Wildflower. Bukod dito, excited din ang aktres para sa premiere ng kanyang Valentine's Day movie na I'm Drunk I Love You kung saan makakasama niya ang kapamilya hunky actor na si Paolo Avelino.

"Super excited, mas excited pero siyempre may kaba pero mas excited ako na mapanuod na ng mga tao yung I'm Drunk I Love You kaya sana suportahan po nila at siyempre lahat ng pelikula na pang Valentine's Day. Hindi lang po ang I'm Drunk I Love You," panimula ni Maja.

Kumpiyansa naman si Maja na magiging positibo din ang magiging pagtanggap ng mga manunuod sa kanyang pelikula kahit na marami pang pelikula ang nakatakdang magpakilig ngayong Valentines.

"Hindi natin maiiwasan na may competition, pero mas kami sa IDILY movie team, mas natutuwa kami na parang madami ang pelikulang Pilipino ang nagbibigay storya, at nagbibigay saya sa mga tao. At mas maganda magsuportahan kaysa makipag-compete sa iba," pagbabahagi pa ng aktres.

Dahil usapang Valentines na din lang, aminado si Maja na in love siya ngayon sa kanyang mga nagiging trabaho dahil sa umaapaw niyang blessings ngayon.

"Andaming blessings ngayon, andami nangyayari so focus muna tayo dito. Pero kung may love na darating, why not? Kung ano ang ibigay ni God."

Aniya marami man ang may pagtingin sa kanya ngayon pero mas ninanais niya na ihanda ang kanyang sarili para sa mas seryoso at pang matagalan ng relasyon.

"Siguro nasa stage na ako ng hindi na ako excited sa puro pakilig sa umpisa. Naghahanap na din ako ng yung siya na. Kahit naman ako hindi pa din ako sure noong mga panahon na yon, hindi naman sa hindi pa ako naka-move on pero yung kailangan mo lang maging handa talaga para sa panibagong chapter ng love life," pagatagapos ni Maja.