• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Karen Reyes reveals she left Girltrends because of infighting

EXCLUSIVE: Karen Reyes reveals she left Girltrends because of infighting

Karen Reyes says she was not happy being in Girltrends.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/12/2017 7:56 AM
EXCLUSIVE: Karen Reyes reveals she left Girltrends because of infighting


021217-KarenReyes_PUSH.jpgPagkatapos magkawatak-watak ng grupong Angels na binuo ng Star Magic ay sinubukan naman ni Karen Reyes na maging bahagi ng isa pang all-female group na Girltrends na napapanood sa It’s Showtime. Pero hindi rin pala nagtagal sa Girltrends si Karen.

“Umalis ako kasi kung ganu’ng grupo yung masasalihan ko, might as well ‘wag na lang. Kasi yung Girltrends kasi, ang hirap lang kasi ng pakikisama. Hindi ako masaya,” pag-amin ng dating PBB teen housemate.

Tatlong buwan lang daw siyang tumagal sa Girltrends.

“Yon yung struggles talaga. Kasi yung Angels kaya ko naman, eh. Masaya naman kami nung binubuo namin yon, pag nagpe-perform kami masaya naman kami. Itong Girltrends iba, eh”

“Parang wala yung sisterly love. Uso ang inggitan in a way na gusto nila lahat sila yung bida. Gusto nila sila lahat yung magaling. Wala yung nagtutulungan. So, nakita ko na kaagad from that na wala ito, na hindi ako magiging masaya dito.

“So hindi na ako nag-stay kasi ang hirap gumawa ng isang bagay na hindi ka masaya, na gusto mo lang ng exposure, na gusto mo lang ng pera. Ako kasi, passion ko ang pag-aartista so gagawin ko yung best ko para mapaganda yung career ko. Kung everyday malungkot akong pupunta don at mapaaway lang ako, huwag na lang,” dire-diretso niyang paliwanag.

Inamin din ni Karen na muntik na siyang mapa-away sa isang member ng Girltrends.

“Muntik na talaga, kasi parang nag-aaway sila, eh, bilang matanda inawat ko tapos ako pa yung napasama. Eh, ako hangga’t kaya kong hindi magtaray, hindi ako magtataray, pero nangyari yon.

“After that, tinatawagan nila ako for rehearsal pero sabi ko, ‘ayoko na po.’ Nagpaalam naman ako sa mga boss na ayoko na kasi hindi na ako masaya. Alam mo, umiiyak ako noon habang nagre-rehearse… ganung level.

“Kasi friendly ako, eh. Clingy ako sa mga friends. Eh, nung time na yon hindi ko alam yung steps, hindi man lang tinuturo sa akin. Ganun sila kaya nasaktan talaga ako… na bakit may kompetisyon?” malungkot niyang pahayag.

Samantala, kasama si Karen sa pelikulang My Ex and Whys nina Liza Soberano at Enrique Gil na showing on February 15.