Coco Martin helps out at home for the elderly

Coco Martin also wants to reach out to inmates and those affected by typhoons.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/11/2017 9:50 AM
Coco Martin helps out at home for the elderly


021117-CocoMartin_PUSH.jpgBumisita ang primetime king at idolo ng Masa na si Coco Martin sa mga abandoned elderly ng Graces home for the Aged kahapon upang magbigay saya at tulong sa mga nakakatanda.

Game na game na nakipag-akapan si Coco sa mga matatanda na nag-abang para sa kanya. Nagbigay si Coco ng kaunting tulong sa mga pangunahing pangangailangan nila tulad ng pagkain, gamot, diaper at hygiene items sa tulong na din ng buong FPJ's Ang Probinsyano crew.

"Nakakatuwa kasi nagdiredirecho ang pag tulong nmin sa FPJ's Ang Probinsyano, lalo na sa ating mga kababayan ngayon. Dito naman tayo sa ating mga lolo at lola para makapag-share kahit papaano. Sana marami pa tayong matulungan," masayang kuwento ni Coco.

Masaya din siya dahil nakapagbigay siya ng kaunting tulong at saya sa mga nakakatanda na gabi-gabing nakatutok at nanunuod sa kanyang programa.

"Masaya sila kasi nakita nila ako. Sabi ko nga, isa sila sa pinakamalapit sa puso ko dahil laki din ako sa lola. Ayun, ilang beses na ako nagtangka na magpunta dito para makapagbigay saya. Ngayon lang natuloy. Masarap sa pakiramdam na nakakatulong," saad ni Coco.

"Actually kung asaan man ako, ang lola ko ang naghubog sa akin. Sabi ko nga pag nakakakita ako ng lola o ng lolo napapaisip ako. Kaya kung napapansin niyo lahat din ng projects ko ang leading lady ko lola ko sa storya. Siguro kung hindi din ako napalaki ng maayos ng lola ko hindi din siguro ako magiging ganito," pagpapaliwanag ni Coco.

Pagbabahagi pa ni Coco, nais din niya na makapagbigay tulong din sa mga inmates at mga nasalanta ng bagyo sa malalayong probinsya.

"Honestly mga inmates gusto ko din sana makatulong lalo na din yung mga hindi na nadalaw ng mga ka-anak nila at yung mga kababayan natin sa probinsya na nasalanta din ng bagyo."