Anna Fegi returns to the concert stage

Anna Fegi will be a guest performer for two shows.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/12/2017 7:53 AM
Anna Fegi returns to the concert stage


021217-AnnaFegi_PUSH.jpgNagbabalik sa pagpe-perform ang magaling na singer na si Anna Fegi na unang na discover ng maestro na si Ryan Cayabyab sa Cebu at naging member ng grupong Smokey Mountain. Nagkaroon ng solo career si Anna at nakilala bilang isa sa regular singers ng ABS-CBN Sunday show na ASAP at napanood siya sa 22nd anniversary ng programa na naganap kamakailan.

Naging hit niya bilang solo artist ang "Saan ka na Ngayon" at "I Need You.” 2007 nang mag-desisyon si Anna na bunalik sa Cebu at doon na muli mag-concentrate. Dito kasama ang kanyang asawa na si Adam Brown na hilig din ang musika, itinayo nila ang Brown Academy of Music. 

Aminado ang singer na na-miss niya ang mag trabaho muli sa showbiz.

"Na-miss ko po ito at napakalaking blessing kasi si Sir Gary Valenciano ang makakasama ko mag perform sa Valentine show niya."

Bukod sa Valentine show ni Gary Valenciano na Love In Motion na magaganap sa February 14 at 15 sa Shangri-La BGC, isang international performer din ang pinaghahandaan ni Anna.

"After this, babalik ako sa Cebu kasi may concert naman doon si David Pomeranz and may duet din kami."

Di expected ni Anna na muli siyang tatanggapin ng audience dahil sa dami ng baguhang singers ngayon kaya’t thankful siya sa bagong opportunity na ito.

"I just want to thank ABS-CBN, my Genesis family, si Sir Gary and Ma’am Angeli (Valenciano) for giving me this opportunity again," sabi pa ni Anna.