Celebrity fashion designer Pepsi Herrera passes away at 56

Pepsi Herrera was known for his evening wear creations and was a favorite designer by several stars.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/10/2017 10:32 PM
Celebrity fashion designer Pepsi Herrera passes away at 56


021017-PepsiHerrera_PUSH.jpgPumanaw na ang celebrity fashion designer na si Pepsi Herrera ngayong araw, February 10, sa edad na 56. Ayon sa isang malapit sa designer, massive heart attack ang ikinamatay nito.

Humihiling ng dasal ang kaibigan at kapwa designer na si Edwin Tan sa pagpanaw ni Pepsi.

"If I make a request, kindly say a little prayer for Pepsi, let us make him feel loved," sabi pa ni Edwin.

Hindi na nabanggit ang oras ng pagkamatay ni Pepsi at ipina cremate agad ang kanyang mga labi Biyernes ng hapon at ililibing sa Heritage Park sa Taguig City sa Linggo.

Makulay ang naging career ni Pepsi sa mundo ng fashion. Kasama lagi sa pinag uusapan ang kanyang mga gawa sa annual Star Magic Ball na madalas ay mga gowns at formal wear na suot nina Kim Chiu at Xian Lim.

Nagbigay din ng mensahe ng pakikiramay si Kim para sa designer.

"I still cant believe it, I'm shocked. RIP Pepsi Herrera. I love you always. Always," sabi ni Kim sa kanyang Twitter status.