Dayanara Torres shares excitement on ASAP Comeback

The former beauty queen says she is open in making another film in the Philippines.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/1/2017 5:12 PM
Dayanara Torres shares excitement on ASAP Comeback


020117-DayanaraTorres_PUSH.jpgExcited para sa muling pagbisita sa Kapamilya network ang 1993 Miss Universe at model- actress na si Dayanara Torres.

Nakikala noon si Dayanara sa mga pelikulang “Hataw Na” kung saan kasama nito si Gary Valenciano at sa hit movie na “Basta't Kasama Kita” kung saan nakapareha naman niya ang ex-boyfriend na si Aga Mulach.

Masaya ang former Miss Universe sa mainit at hindi nagbabagong pag suporta sa kanya ng mga Pinoy fans na game na game na nag papa-picture sa kanya.

"Super mas masaya ako to be back here in the Philippines. It’s my second home. I’m able to enjoy this country that I love so much. Thank you for embracing me again as your own like you’ve always done,” sabi ni Dayanara sa media.

Ngayong Linggo inaasahan ang guest appearance ni Yari sa Sunday noon time show na ASAP para sa anniversary special nito. Isa siya sa mga original hosts ng programa.

"Meeting so many people that I haven’t seen in so many years, it’s incredible. Don’t forget to watch ‘ASAP’ this Sunday. A lot of things are happening and surprises too,” saad ni Dayanara

Dahil sa sunod-sunod na appearance ni Dayanara sa Kapamilya shows, bukas din siya sa mga posibilidad ng muli niyang pag gawa ng Pinoy movie at excited din na makatrabaho ang ilan sa heartthrobs ng Kapamilya network.

“I would love to. Like I said, my kids are now older so I can travel a little more. Absolutely, I would love to, I’ve been talking to a lot of people. They are giving me a few ideas and stuff but as of now, no one in particular. We’ll decide later,” pagtatapos na pahayag ni Dayanara.