• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto, no fantasies and special effects sa MMFF movie na ‘Meant To Beh’

Vic Sotto, no fantasies and special effects sa MMFF movie na ‘Meant To Beh’

Para kay Vic Sotto level up ang kanyang pinakabagong MMFF entry

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/9/2017 12:10 PM
Vic Sotto, no fantasies and special effects sa MMFF movie na ‘Meant To Beh’


 

Masaya si Vic Sotto na finally ay nakatrabaho niya sa pelikula si Dawn Zulueta. Si Dawn ang leading lady ni Vic sa Metro Manila Film Festival movie na Meant To Beh na showing simula Christmas Day.

Ayon kay Bossing Vic, sa TV lang niya noon nakatrabaho si Dawn (Okey Ka, Fairy Ko) at never pa silang nagsama sa pelikula kaya naisip nila during the casting na kunin ang aktres.

“Yang ganda ba namang yan hindi mo maiisip? I mean, she’s one of our brilliant actresses and when we were casting, kailangan ko ng asawang medyo socialite, eh, wala kaming naisip na iba, eh, Dawn Zulueta kaagad yon.

“Para mai-Dawn Zulueta ko rin siya,” biro ng komedyante sa aktres na tinawanan naman ni Dawn.

Dagdag pa ni Bossing Vic, kakaiba ang pelikula niya ngayon dahil wala silang mga special effects at hindi fantasy.

It’s good to be back!” una muna niyang reaksyon ngayong nagbabalik na ulit siya sa taunang film festival.

“Ang pelikula namin walang effects, walang fantasy, it’s all reality. And life should be funny,” dugtong pa niya.

Hindi ba parang experimental na ang filmfest movie niya this year ay hindi fantasy?

Experiemental? No, dahil yung mga computer-generated movies ko yun ang experimental kung tutuusin,” sambit niya.

Patuloy ni Bossing Vic, “Kumbaga, I want to put it in such a way na na teka lang, parang nakakasawa na yung fantasy, eh. Parang every year na lang, fantasy and I think it’s about time na to move on and to level up.

“Gusto naming mag-present ng something different, something more realistic, something more relevant. And siyempre for me, pag Christmas, ang una kong naiisip is pamilya.

“Dahil ito yung mga panahon na sama-sama ang pamilya, kahit magkakahiwalay na kayo, siyempre nagre-reunion kayo pag Christmas at pagdating ng Christmas, one of the big entertainment na pinupuntahan ng mga tao is manood ng sine, alam naman natin yan.

So, naisip namin to move out sa comfort zone which is fantasy, hayaan mo na lang sa iba muna yon (fantasy).”

Confident naman daw siya na magugustuhan ng audience ang kanilang pelikula.

It’s a family movie and I’m confident na ang moviegoers will definitely like our movie. I’m proud of the movie, nakita ko na yung final edit ni Direk. Maganda siya, from start to finish may-smile ka,” pagmamalaki pa ni Vic.

Kahit makakatapat ang iba pang malalaking pelikula sa film festival ay hindi naman daw niya itinuturing na kalaban ang mga ito.

“Hindi sila kalaban dahil lahat dito magkakakampi, magkakapatid, magkakapuso, magkakapamilya, pare-pareho lang naman,” reaksyon pa niya.

Hindi naman itinanggi ni Vic na may mga tao rin siyang nami-miss kapag film festival.

Aniya, “Si Sen. Bong (Revilla) nami-miss ko. And hopefully, he gets back in the business. Si Ai-Ai (delas Alas) nami-miss ko rin, hopefully din she will be back.

“Ang importante lang naman ay maging masaya tayo this Christmas at suportahan natin ang ating mga pelikulang Pilipino. Sabi ko nga, eh, indie, mainstream, sa akin pareho-pareho yan. Isa lang ang tawag ko diyan–pelikulang Pilipino.

“Sama-sama tayo, tulung-tulong tayo para masuportahan ang ating industriya,” pahayag pa niya.

Ang Meant To Beh ay idinirek ni Chris Martinez mula sa M-Zet at OctoArts Films. Kasama rin sa pelikula sina Daniel Matsunaga, JC Santos, Sue Ramirez, Ruru Madrid, Gabby Garcia, Andrea Torres, at Baby Baste.