• Home
  • Fresh Scoops
  • Funny One Grand Champion Donna Cariaga ibinahagi kung sino si James at Joshua sa kanyang buhay

Funny One Grand Champion Donna Cariaga ibinahagi kung sino si James at Joshua sa kanyang buhay

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/9/2017 11:18 AM
Funny One Grand Champion Donna Cariaga ibinahagi kung sino si James at Joshua sa kanyang buhay


 

Mula sa katatapos lang na Grand Showdown ng mga aspiring comedian sa season 2 ng Funny One sa It's Showtime, masaya at thankful ngayon ang itinanghal na Grand Champion nito na si Donna Cariaga.

 

Kuwento ni Donna sa naging pahayag na ito ng PUSH at ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News, instant celebrity status na daw agad ang kanyang pakiramdam matapos niyang manalo.

"Eto po marami ng nakakakilala at masaya rin po ako na nabigyan muli ng chance na makapag-perform sa TV…" masayang pahayag ni Donna.

"Meron po sa jeep. Nagko-commute pa rin kasi ako, naka-upo ako doon sa likod ng driver and then nakita niya ako. Habang umaandar kami gusto niya mag-selfie, eh. Medyo malayo po ako sa kanya tapos pinapahinto niya ang driver... Nag-smile naman po ako pero alam ko blurred yung picture namin (laughs),” masayang pagkuwento ni Donna.

Bago pa man siya sumali sa Funny One season two, minsan na din daw naging extra sa teleserye si Donna at isa dito ang Forevermore kung saan naka-eksena pa niya si Liza Soberano.

"Nag-talent po ako noon sa Forevermore kasi po sa Baguio po sila. Ako po doon yung assistant ng character ni Miss Tess na napag-utusan, nagkamali, tapos inaway," kuwento ni Donna.

Ikinuwento din ni Donna kung saan siya kumukuha ng kanyang inspirasyon para sa kanyang hugot jokes.

"True-to-life stories po siya ng mga friends ko (laughs). Somehow may hugot din po ako pero mas malala ang hugot ng friends ko," saad pa nito.

Ayon pa kay Donna, pawang mga fictional characters lang ang kanyang hugot jokes kabilang na dito si James at si Joshua.

"Si James po talaga ay representation lang ng ex ng sambayanang Pilipino kaya siguro nakaka-relate sila kasi feeling ko may ganun po sila. Si Joshua naman po ay representation din po. Wala po si Joshua sa totoong buhay (laughs)," masayang paliwanag ni Donna.

One million pesos ang naiuwing premyo ni Donna na kanya umanong ilalaan para sa kanyang pamilya, sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid, at sa kanyang Ina na isang OFW na matagal na nilang hindi nakakasama.

"First plan ko po ay pauwiin na si mama na OFW sa Lebanon po. The rest bahala na muna," pahayag ni Donna.