• Home
  • Fresh Scoops
  • Commercial model Kirst Viray breaks silence on relationship with Kiray Celis

Commercial model Kirst Viray breaks silence on relationship with Kiray Celis

Nilinaw ni Kirst ang isyung ginagamit niya lang si Kiray.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/9/2017 11:06 AM
Commercial model Kirst Viray breaks silence on relationship with Kiray Celis


 

Sa isang very intimate interview ng PUSH sa guwapong commercial model na si Kirst Viray, ang napapabalitang boyfriend ng comedy actress na si Kiray Celis, ay nilinaw ng binata ang totoong estado ng relasyon nila ng dalaga.

We’re friends talaga. Sobra lang talaga yung closeness namin. Sobrang sweet lang talaga namin,” ani Kirst na natatawa.

Hindi rin daw sila nagkaroon ng something o naging mag-MU.

Honestly, yung sweetness namin hindi talaga sinadya. As in, never namin pinagplanuhan yung mga ganun, basta nangyayari lang. Si Kiray kasi sobrang ano, malambing talaga siya.

So ako, parang hindi ko naman siya iniisip na parang may something na kami. Sobrang close talaga namin, like pag nag-a-out-of-town kami ganun pa rin, eh,” paliwanang ni Kirst.

Hindi ba niya type ang beauty ni Kiray?

“Hindi naman. Kaso wala pa kasi ako sa ano, eh. Di ko pa kayang pumasok ulit sa relationship. Galing kasi ako sa long term relationship na almost five years.

“Tapos sobrang ano… yung break-up namin sobrang worst talaga, sobrang masakit. So, ang hirap kong maka-move-on. Until now nga, yung mga kaibigan ko, akala nila hindi pa rin ako nakaka-move-on dahil nga don sa last relationship,” rason pa niya.

Dagdag pa ni Kirst, “Ayaw ko naman ding magsalita nang patapos, pero siyempre hindi mo rin naman masabi. Kasi si Kiray naman, sobrang mabait talaga.

“Saka hindi rin naman malabong magusthan ko si Kiray kasi sobrang… Pero ngayon kasi, wala talaga, eh.”

Eh, ano ba ang gusto niya sa isang babae?

“Gusto ko rin siyempre yung seksi talaga. Sa una kasi, di ba, napapansin mo agad yung appearance muna, eh. Pero pag tumatagal, ugali na talaga yung importante,” sambit niya.

Nagpakita ba siya ng interes na ligawan si Kiray?

“Hindi, eh. Pero ewan ko, sa babae kasi minsan pag nasosobrahan na yung sweetness ng lalaki di ba minsan nami-misinterpret nila?”

Eh, si Kiray ba hindi niya naramdaman na nai-in-love na sa kanya?

“Ah, hindi din, eh. Hindi naman.”

Eh, how about sa isyung pinaasa niya lang si Kiray?

“Uy, hindi naman. Same lang naman kami, eh. Equal lang. Hindi siya na-in love,” natatawa niyang reaksyon

Eh, yung ginamit niya Kiray para mapansin sa showbiz?

“Hindi naman. Kasi sa amin wala namang naggagamitan,” diin niya.

“ Yung nangyari, nung nag-trending kami, hindi naman namin plinano. So, parang na-shock na lang ako kasi hindi naman ako sa showbiz talaga kaya bigla akong nanibago na parang, ‘Oh, ano ‘to? V“Kasi sa phone ko, biglang ang daming notifications. Nabigla ako,” kuwento ni Kirst.

Sa kabila ng lahat ay wala raw naman silang awkwardness na nararamdan towards each other.

Aniya, “Wala naman. Kasi hindi namin pinansin, eh. Never naman naapektuhan yung friendship namin. Okay pa rin naman kami hanggang ngayon,” huling pahayag ni Kirst sa PUSH.