• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe Queens all on one stage para sa isang benefit fashion show

Miss Universe Queens all on one stage para sa isang benefit fashion show

Naging mini-reunion ang fashion show ng mga dating Miss Universe Philippines’ queens.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/8/2017 2:42 PM
Miss Universe Queens all on one stage para sa isang benefit fashion show


Photo credit: @biancamanalo IG

 

Suot ang mga bonggang gown na likha  ng Filipino fashion designers, all on one stage at mistulang nag-mini reunion ang mga former Miss Universe Philippines na sina Bianca Manalo, Venus Raj, Shamcey Supsup, Ariella Arida, Mj Lastimosa, Maxine Medina at ang current queen na si Rachel Peters para sa isang charity fashion gala ng Department of Tourism.

 

Universes 😘❤️

A post shared by Bianca Manalo (@biancamanalo) on

 

Bukod sa Pinay beauties, kasama din sa rumamapa ang 14 na kandidata mula ng katatapos lang na 66th Miss Universe kung saan suot naman nila ang mga gown na likha nina, Jot Losa, Micheal Leyva, Mark Bumgarner, Patty Ang, Rajo Laurel, Albert Andrada, Edwin Uy, Randy Ortiz, Mak Tumang, JC Buendia, Noel Crisostomo, Rocky Guthetcole, Frederick Peralta, Francis Libiran at iba pa.

Mainit naman na inabangan ang pagsasama sama ng tatlong Miss Universe na sina Pia Wurtzbach, Iris Mittenaere at ang reigning queen na si Demi-Leigh Nel-Peters.

Sa nalalabing mga araw ng Miss Universe sa Pilipinas, tuloy-tuloy pa din sa pamamasyal ang mga kandidata sa iba't ibang parte ng bansa kabilang na ang Camiguin, Batanes at Bohol bilang pagpapatuloy ng Miss Universe Holiday tour.