• Home
  • Fresh Scoops
  • Christmas songs ang aawitin ni Bamboo sa kanyang ‘The Oven’ concert

Christmas songs ang aawitin ni Bamboo sa kanyang ‘The Oven’ concert

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/7/2017 8:48 AM
Christmas songs ang aawitin ni Bamboo sa kanyang ‘The Oven’ concert


 

Puspusan na paghahanda na ang ginagawa ngayon ng OPM artist na si Bamboo para sa kanyang The Oven concert tour dito sa Manila.

 

Hi po pls watch us sa december pows see you

A post shared by Elha Mae Nympha (@elhamaenymphaofficial) on

Nalibot na ng concert tour ni Bamboo ang ilang lugar sa Amerika at sa Europa. Sa unang pagkakataon mapapanuod na ito sa Pilipinas kaya labis itong pinaghahandaan ni Bamboo.

"This is a tour we've never done in the Philippines. This is a tour we’ve done outside of the country for two years and ended it in the US this year," sabi ni Bamboo.

 

It takes a big heart to teach small minds❤️

A post shared by ISABELA VINZON (@lalavinzon) on

 

At dahil holiday season ngayon, may mga Christmas songs na kakantahin si Bamboo sa concert.

"Of course Christmas ngayon. We've added a twist of Christmas in it," ani ni Bamboo.

Abala man buong taon si Bamboo sa kanyang mga showbiz commitments, pamilya pa din daw ang number one na priority ng singer ngayong pasko.

"It's going to be busy for myself but at certain point I just shut down and pahinga na muna ako and spend time with family dito lang sa Pilipinas," pahayag ng singer.

Kasama ang mga naging produkto ng The Voice of the Philippines na sina Elha Nympha at Isabella Vinzon, mapapanuod ngayong December 7 ang The Oven concert ni Bamboo sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.