• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda isa sa mga nanabik sa mga Miss Universe candidates

Vice Ganda isa sa mga nanabik sa mga Miss Universe candidates

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/6/2017 4:31 PM
Vice Ganda isa sa mga nanabik sa mga Miss Universe candidates


Photo credit: @praybeytbenjamin (L)/ @missuniverse IG (R)

 

Labis ngayon ngayon ang pananabik ng Pinoy pageant fans para sa unang beses na pagbisita dito sa Pilipinas ng bagong Miss Universe na si Demi Leigh Nel-Peters.

 

Kasama ang buong Miss Universe organization team, dumating na sa bansa si Demi Leigh at ang Ilan sa mga naging kandidata ng  katatapos lang na Miss Universe pageant sa Las Vegas, Nevada.

Magkakasunod na "Events for a Cause" ang gagawin ng mga reyna ng Miss Universe kung saan makakasama din sa rampahan si 2016 Miss Universe Iris Mittenaere na kinoronahan dito noon sa Pilipinas.

 

Pssssss : #Philippines I’m coming !!!! 😁❤️ #backtophilippines #after1year 🇵🇭 #dyingformangos

A post shared by Iris Mittenaere |Miss Universe (@irismittenaeremf) on

 

Kaya naman ang pageant mentor at expert na si Rodgil Flores ay isa din sa mga nanabik sa isa nanamang historic event na ito sa Pilipinas.

"I'm sure ang mga Miss Universe fans magkakaroon ng field day with the Miss Universe queens, para yung mga di nakapunta ng Vegas this is their chance to personally see the winners," pahayag pa ng pageant mentor.

Ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sinisigurado na pagpipiyestahan ito ng LGBT community na number one na big fan ng mga beauty pageants.

"Wow! For sure mae-excite ang mga bakla! Masaya, masaya dahil makikita namin siya (Demi-Leigh) personally dahil mga fanatics kami ng Miss Universe. Makikinabang pa ang maraming Pilipino sa pagbisita nila dito," sabi pa ni Vice. 

Palaisipan naman ngayon sa mga pageant fans kung may malaking chance na dito muli sa Pilipinas magaganap ang Miss Universe sa 2018. 

Inaasahan na ang kaliwa't kanan na charitiy events ng Miss Universe Organization simula today December 6 at tatagal hanggang December 10.