• Home
  • Fresh Scoops
  • 2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters masayang lumibot sa Metro Manila

2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters masayang lumibot sa Metro Manila

“Manila is everything I have hoped it would be.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/7/2017 12:40 AM
2017 Miss Universe Demi-Leigh Nel-Peters masayang lumibot sa Metro Manila


 

Sa pag-uumpisa ng Manila Tour ng Miss Universe Organization dito sa Pilipinas, all smiles ang 15 sa mga naging kandidata ng katatapos lang na 66th Miss Universe pagent sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.

 

Sa naging panayam sa newly crowned Miss Universe na si Demi-Leigh Nel-Peters, ibinahagi niya ang kanyang naging experience sa kanyang pamamasyal sa Maynila.

"I think Manila is everything that I have hoped it would be, all the love that I've been receiving has just come to life over here. So it's exciting to be here with Rachel (Peters) and get to experience this beautiful country," sabi pa ni Demi Leigh.

Kasama sa unang pinuntahan ng mga Miss Universe girls ay ang scenic spot ng Intramuros at Rizal Monument sa Maynila.

 

 

 

Luneta is even more beautiful today. Thanks #MissUniverse! #itsmorefuninthephilippines

A post shared by Kat De Castro (@katdecastro) on

 

 

Hello ladies... welcome to Fort Santiago in Intramuros!!! #MissUniverse #itsmorefuninthephilippines

A post shared by Kat De Castro (@katdecastro) on

"It was beautiful! I got to see the lovely places that is special to the Filipinos. It was really lovely to experience it," ani pa ni Demi.

Ito din daw ang first trip niya bilang Miss Universe kung kaya espesyal ito para sa kanya.

"Yes this is my first official trip as Miss Universe and it’s my first time to the Philippines, so it's wonderful."

Kasama din sa mga rumarampa sa Maynila si Miss Universe Philippines finalist Rachel Peters, na game na game na ibinahagi ang ganda ng Pilipinas sa mga Miss Universe candidates.

"It's really wonderful, originally there were rumors that Miss Universe was going to be in the Philippines, it was quite sad when they say it wouldn't be. But it's really amazing to have this opportunity to share our country with all the girls," pahayag ni Rachel.

Samanatala, dahil sa mainit pa din na pagtanggap ng mga Pinoy sa Miss Universe candidates, aminado si DOT Secretary Wanda Teo na malaki ang posibilidad na muling mag host ang Pilipinas ng susunod na Miss Universe coronation.

"As of this moment It's a 60 / 40 (chance). We're working on it with the president," pagtatapos na pahayag ni Sec. Teo.