• Home
  • Fresh Scoops
  • Libro noon, Pelikula na ngayon: mga obrang pampanitikan na ginawang pelikula ngayong taon

Libro noon, Pelikula na ngayon: mga obrang pampanitikan na ginawang pelikula ngayong taon

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/5/2017 9:14 AM
Libro noon, Pelikula na ngayon: mga obrang pampanitikan na ginawang pelikula ngayong taon


 

Kabilang sa mga bagong pelikula ngayon ay mula sa mga obra ng National Artist of the Philippines for Literature na si Nick Joaquin at ni Maria Felisa H. Batacan.

Una na dito ang A Portrait of the Artist as Filipino na nilikha ni Joaquin noong 1950. Unang naisalin ito sa isang three-act theater play noong 1952.

Ang A Portrait of the Artist as Filipino ay tungkol sa dalawang magkapatid na sina Candida at Paula Marasigan na mga anak ng kilalang artist na si Don Lorenzo Marasigan na humahanap sa isang krisis pinansyal.

Ngayong 2017, bibigyan kulay nina Rachel Alejandro at Joanna Ampil magkapatid na ito sa movie adaptation na Ang Larawan.

Ang Ang Larawan ay isa din sa mga opisyal na pelikulang kalahok ngayon sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Bukod sa Ang Larawan isa din sa mga inaabangan ngayon ay ang Smaller and Smaller Circles na base sa isang nobela ni F.H Batacan. Isinulat ito noong 1997 base sa isang krimen ng pagpatay sa mga kabataan. Nanalo ito ng Carlos Palanca grand prize sa English novel taon 1999.

Ngayong 2017, bibigyang buhay ito ng TBA Studios kasama ang mga mahuhusay na artista na sina Sid Lucero, Carla Humphries, at Nonie Buencamino. 

 

Nakita mo ba siya? #LookCloser #SASCmovie

A post shared by Smaller And Smaller Circles (@smallerandsmallercircles) on

Mapapanuod ang Smaller and Smaller Circles sa mga sinehan simula December 6 2017 sa direksyon ni Raya Martin.