• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino now tagged as ‘Queen of Online World and Social Media’

Kris Aquino now tagged as ‘Queen of Online World and Social Media’

Kris Aquino balak pang palawigin ang kanyang online influence.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/5/2017 9:47 AM
Kris Aquino now tagged as ‘Queen of Online World and Social Media’


Photo credit: @krisaquino IG

 

Successful ang pakikipag-meeting ni Kris Aquino sa Google, Facebook, at Instagram na ginanap sa Singapore kamakailan lang. Layunin ni Kris na mas palakasin pa ang koneksyon niya sa online world at pagiging influencer para mas maraming advertisers ang magtiwala sa kanya.

From being tagged as Queen of All Media, bago na ang tawag kay Kris ngayon. Dahil sa pagiging epektibong social media influencer, ang bagong title ni Kris ay Queen of Online World and Social Media.

Wala siyang sawa sa pagpo-post ng mga videos sa kanyang YouTube channel na The Aquinos kung saan marami ang naho-hook.

Very much active din siya sa kanyang social media account tulad ng Instagram–@krisaquino–na meron ng 3.2 million followers.

Umabot naman ng mahigit na 1 million ang followers ng kanyang Facebook page na @RealKrisAquino.

Kahit wala na sa telebisyon bilang host ay marami namang nagbukas na oportunidad kay Kris nang maging aktibo siya sa online world at social media.

Just recently, winner ng award ang pinost niyang Kris Faves & Finds– Shopping for Bimb’s School Needs na lumabas sa YouTube channel niya. Nanalo ito ng Bronze Award sa Berlin Native Advertising Awards 2017 sa kategoryang Best Use of Influencer sa Channel Theme.

Lubos namang nagpasalamat si Kris sa kanyang social media followers dahil sa kanilang suporta.

Ayon pa kay Kris, marami rin siyang planong gawin sa 2018.

“Good morning... Have you ever been written off? I have–on several occasions & over several decades. And truth is–it hurt like hell. But I wasn’t raised to indulge in self pity. And I am a MOTHER, responsible for the emotional, physical, and financial well being of 2 boys I love more than LIFE.

“So doors, roads, and avenues closed. But, ALLELUIA, God bless the internet! Because the digital age is upon us & because of this, the online skyway opened up for me; the one asset I have that works so well in this medium is AUTHENTICITY.

“Today my small team that’s young enough to fervently believe that there are still many YESes coming our way will fly to Singapore for our 2017 assessment & 2018 planning. And we’ll meet with Google/YouTube as well as Facebook/Instagram (the platform I’m most comfortable with -- obvious, right?) REGIONAL offices for their guidance & inputs... please wag kayong magsawa sa PASASALAMAT ko?” post ni Kris bago siya umalis papuntang Singapore.

Dagdag niyang post, “Thank you from a very grateful heart that you gave me another chance to stay connected with you & for my team to create a viable business model w/ trusted brands now partnering w/ us to give you real experiences, real engagement, and real entertainment.

“Thank you for continuing to choose to #LiveLifeWithKris.”

Samantala, nagbigay naman ng reaksyon si Kris sa followers na nami-miss na siyang mapanood sa TV.

“The thought is so heartwarming but the choice isn’t mine to make. I don’t own the networks nor do I have any influence w/ the owners...please just keep watching me on FB,” sabi pa niya.