• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn Mercado, thankful sa misis ni Patrick Garcia: ‘Very understanding, napakabait!

Jennylyn Mercado, thankful sa misis ni Patrick Garcia: ‘Very understanding, napakabait!

Masaya din si Jennylyn Mercado na ka-close ng anak niyang si Jazz ang kanyang half-sisters.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/5/2017 9:43 AM
Jennylyn Mercado, thankful sa misis ni Patrick Garcia: ‘Very understanding, napakabait!


Photo credit: @onlypatrickgarcia IG (R)

 

Nakakatuwa ang relasyon ngayon ng dating magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Naging friends sila kahit may kani-kanya na silang partners.

In fact, ayon mismo kay Jennylyn nang makausap siya ng PUSH sa presscon ng pelikulang All Of You ng Quantum Films, thankful din siya sa asawa ni Patrick na si Nikka Garcia.

“Si Nikka, very supportive siya sa anak namin ni Patrick (Alex Jazz). Parang silang dalawa ni Patrick ‘yung tatay, ganu’n,” kuwento ng aktres.

“So, masaya ako na very open si Nikka, tapos very understanding. Napakabait, eh,” dugtong niya.

Maging ang relasyon daw ni Jazz sa dalawang anak ni Patrick kay Nikka ay okey na okey din.

Aniya, “Kasi every time na dadalaw sila sa bahay, kasama ang mga bata, kumpleto sila.”

Eh, close din ba si Jazz sa boyfriend niyang si Dennis Trillo?

“Oo naman. Close naman sila. Pag pumupunta si Dennis sa bahay, naglalaro sila, ganyan,” sagot niya.

Eh, sa anak ni Dennis na si Calix, close din ba si Jazz?

“Bihira po kaming magkita, eh,” sabi agad ng aktres.

“Usually, kapag may mga okasyon–yung birthday, Pasko, New Year, ganyan, ‘yung Father’s Day, Mother’s Day, ganyan ‘yung mga okasyon na nagkikita-kita kami,” dahilan pa niya.

Tungkol sa sinabi niya sa interbyu nag-level up ang love scene nila ng leading man na si Derek Ramsay sa All Of You, ayon kay Jennylyn, masaya naman siya sa kinalabasan nito.

Aminado ang aktres na sa umpisa ay naging uncomfortable siya sa eksena, pero naging maayos din daw naman ang lahat.
 
“Kasi, medyo matagal din kaming hindi nagkita, so nung nagkita kami ulit, tapos nagkatrabaho kami, this time, iba naman ‘yung atake na kailangan namin, kasi nung una, para lang kaming naglalaro, nagpapatawa, ganyan.

“Pero ngayon, medyo ano na, mabigat ‘yung mga eksena, ang daming love scenes, so hindi ako ready,” natatawang kuwento ng aktres.

Patuloy niya, “Pero in fairness naman kay Derek, napakaingat niya po at saka napaka-gentleman niya. Pagdating sa mga ganung klaseng eksena, talagang pinoprotektahan niya ako.”

Showing ang All Of You simula Christmas Day, December 25. The film is under the direction of Dan Villegas.