Take a look at PUSH’s Top 10 stories for 2017

Here are the stories you read the most on PUSH this year.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/31/2017 11:19 AM
Take a look at PUSH’s Top 10 stories for 2017


 

Hashtag Franco Hernandez passes away

Marami ang nagulantang nang malunod at pumanaw ang Hashtag member na si Franco Hernandez noong November 11 sa edad na 26. Kasama niya ang kanyang girlfriend na si Janica Nam Floresca at si Hashtag Tom Doromal nang mangyari ang insidente sa isang isla sa Davao Occidental. Bagamat aksidente ang nangyari, wala pa ring linaw kung may dapat nga bang sisihin sa pangyayari.

Anne Curtis and Erwan Heussaff finally tie the knot in New Zealand

Buong bayan ang nagdiwang nang makasal ang national sweetheart at It’s Showtime host na si Anne Curtis sa kanyang boyfriend of seven years na si Erwan Heusaff sa Queenstown, New Zealand noong November 12. Ayon kay Anne, walang nagbago sa pagsasama nila ni Erwan at lalo pa siyang naging masaya ngayong siya ay Mrs. Erwan Heussaff na.

Model exposes Erich Gonzales’s CEO admirer as a fraud

Shocked naman ang lahat nang isiwalat ng model na si Dewanie Catapang ang diumano’y nalalaman niya tungkol sa “businessman” na si Xian Gaza. Matatandaang nagpakilig si Xian nang yayain nito si Kapamilya actress Erich Gonzales sa isang coffee date sa pamamagitan ng isang billboard. Ayon kay Dewanie, ang lahat ng ito ay social media stunt at paandar lang ni Xian. Ayon pa kay Dewanie, maging siya ay biktima ng pang-i-scam ni Xian.

Inamin ni Erich na naapektuhan siya sa mga expose na naglabasan tungkol kay Xian at naging “uncomfortable” kung kaya nagdesisyon si Erich na mag-no sa coffee date na alok ni Xian

Miss Q&A contestant Jennifer Collins malubhang naaksidente at nawalan ng binti

Nalungkot at nanghinayang ang marami nang ma-amputate ang kanang binti ni Miss Q &A contestant Jennifer Collins. Nabangga ang sinasakyang tricycle ni Jennifer ng isang jeep. Si Jennifer ay si Jayson Jiz De Ortega sa totoong buhay at siya ay breadwinner ng kanyang pamilya.

Marami ang bumilib kay Jennifer sa pagiging positibo nito sa kabila ng pangyayari, kabilang na dito si It’s Showtime host Vice Ganda.

Ogie Diaz responds to Xander Ford: 'Kung nabago ang itsura mo, sana pati pag-uugali mo’

Maraming naintriga sa maanghang na pahayag ni comedian-host Ogie Diaz tungkol kay Xander Ford. Sinagot nito ang “pagpapa-awa” diumano ni Xander at ipinaliwanag niya kay Xander (screen name ni Marlou Arizala) kung bakit niya ito sinabihang “kung nabago ang itsura mo, sana pati pag-uugali mo.”

Matatandaang sumailalim si Internet sensation Marlou Arizala sa cosmetic surgery at kasabay nito pinalitan din niya ang kanyang pangalan.

Wil Dasovich reveals his cancer is at Stage 3

Matapang naman na isiniwalat ni YouTuber at former Pinoy Big Brother housemate Wil Dasovich na siya ay mayroong stage 3 colon cancer. Bagama’t isa itong mahirap na hamon para kay Wil at sa kanyang pamilya, sinabi niya na tapos na ang pinakamahirap na parte at yun ay ang “not knowing anything.” Handa na diumano siyang harapin ang treatment process para labanan ang cancer. Marami ang lalong napabilib kay Wil dahil sa kanyang positibo at palaban na attitude.

Sa kanyang vlog post noong November, sinabi niya na lumiit na ang cancer tumor. Pero inamin din ni Wil ang kanyang takot dahil may nakita ang mga doktor sa kanyang lungs at hindi nila masabi kung ano ito.

Wil Dasovich reveals his cancer is at Stage 3

No holds barred na nagsalita si Shara Chavez laban sa kanyang ex na si Jovit Baldivino. Ilan sa mga sinambulat niya ay ang diumanong pagiging sabungero at babaero ng singer. Nag-post din siya ng mga magpapatunay sa kanyang akusasyon laban kay Jovit. Sumagot naman si Jovit at nanindigan na “wala kaming ginawang masama.”

John Lloyd Cruz attends the Star Magic Ball, dodges the red carpet

Marami ang na-disappoint nang hindi maglakad si John Lloyd Cruz sa red carpet ng Star Magic Ball 2017. Present sa naturang event si John Lloyd, ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataon ang media na matanong siya tungkol sa hot issue kung sila na nga ba ng aktres na si Ellen Adarna.

Bagamat walang kinukumpirma ang dalawa, maugong naman ang balita na magkakaroon na ng baby sina Ellen at John Lloyd.

Isabel Granada passes away

Isang malungkot na araw sa showbiz nang pumanaw ang aktres na si Isabel Granada sa edad na 41 noong November 4.

Matatandaang biglang nag-collapse si Isabel sa isang meet and greet event sa Doha, Qatar. Ayon sa mga ulat, aneurysm ang dahilan ng biglaang pagbagsak ni Isabel. Isang linggo rin siyang comatose bago siya bawian ng buhay.

Paul Salas at Daniel Padilla, may bangayan sa Twitter?

Nauwi naman sa hamunan ng basketball ang diumano’y iringan sa Twitter nina Daniel Padilla at Paul Salas at ang mga kaibigan ng dalawa.

Nagsimula ang tensyon sa pagitan ng dalawang kampo nang mag komento si Paul at ang mga kaibigan nito sa di sinasadyang pagkatulak ni JC de Vera kay Daniel habang naglalaro sa Star Magic All Star Game. Natapos din ang tensiyon nang humingi ng paumanhin si Paul sa kampo nina Daniel.