Sino ang mga naging bagong Kapamilya noong 2017?

Sinu-sino ang lumipat sa ABS-CBN ngayong taon.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/31/2017 10:50 AM
Sino ang mga naging bagong Kapamilya noong 2017?


 

Puno ng blessings ang taong 2017 para sa ilang showbiz personality na naging Kapamilya.

Una na dito ang Pusong Ligaw actress na si Bianca King na nag-umpisang mapanuod noong noong April 2017 sa kanyang unang proyekto bilang kapamilya.

Mayo nitong 2017 naging usap-usapan ang pagpirma sa kapamilya network ni Richard Gutierrez.

 

Salamat, kapamilya! ❤️💚💙

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz) on

Isa ngayon si Richard sa mga napapanuod sa top rating primetime teleserye na La Luna Sangre bilang si Sandrino.

 

Sandrino #LaLunaSangre

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz) on

Bukod sa teleserye, isang pelikula din ang nakatakdang gawin ni Richard kasama si Angelica Panganiban at Angel Locsin.

July 2017 naman nang mapanuod sa top rating primetime teleserye na Ang Probinsyano ang aktres na si Louise Delos Reyes kung saan ginampanan niya ang isa sa mga importanteng karakter sa buhay ng lead star na si Coco Martin.

Isa si Louise sa mga bagong talent ng Viva Artist Agency matapos nitong lisanin ang kanyang mother network kung saan siya nakilala.

Big surprise din ang naging network transfer ni Aljur Abrenica. July ng taong 2017 unang napanuod si Aljur sa Ang Probinsyano kung saan nakasama niya si Coco.

Nakilala si Aljur bilang isa sa mga produkto ng talent search ng network kung saan siya nakilala.

Isa na din si Aljur sa mga aabangan sa upcoming kapamilya show sa 2018 na Asintado kasama si Julia Montes.

October 2017 naman nang opisyal na ipakilala ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid bilang bagong kapamilya at isa si Ogie sa mga naging judge noon sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Isa din si Ogie sa mga mainstay hurado sa Tawag ng Tanghalan sa noon time show It's Showtime.

 

#backtowork #hurado #showtimetnt

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on